Balita

Unang asawa ni Frank Sinatra na si Nancy, pumanaw

- Reuters

PUMANAW

na si Nancy Sinatra, ang unang asawa ng yumaong legendary singer at aktor na si Frank Sinatra, nitong Biyernes sa edad na 101, tweet ng kanyang anak, na Nancy Sinatra rin ang pangalan.

“My mother passed away peacefully tonight at the age of 101,” post ng mas batang Nancy, 78, sa kanyang official Twitter page. “She was a blessing and the light of my life. God speed, Momma. Thank you for everything.”

Nagpakasal si Nancy sa tinagurian­g isa sa pinakapopu­lar na bituin noong 20th Century, na bumida rins a blockbuste­r movies gaya ng From Here to Eternity at Guys

and Dolls, at tanyag sa kanyang signature jazz song na New York, New York. Sina Frank at Nancy ay nagsama sa loob ng 12 taon.

Mayroong tatlong anak ang couple, na kapwa tubong New Jersey natives, at nagdiboris­yo noong 1951, makaraang masangkot si Frank sa ilang extramarit­al affairs, na isinapubli­ko sa Hollywood gossip columns, ulat ng The New York Times. Pinakasala­n niya ang aktres at Hollywood bombshell na si Ava

Gardner, sampung araw lamang mula nang makipagdib­orsiyo kay Nancy.

Sa kabila nito ay nanatiling magkaibiga­n ang dalawa hanggang sa bawian ng buhay si Frank noong 1998 sa edad na 82, dahil sa atake sa puso.

Hindi na muling nagpakasal si Nancy at tahimik na namuhay sa Beverly Hills, California at itinuon na lamang niya ang pansin sa charity work.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang kinatawan ng pamilya nitong Sabado, at hindi pa inilalabas ang detalye ng kanyang pagpanaw.

 ?? Frank at Nancy ??
Frank at Nancy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines