Balita

Ika-69 na labas

- R.V. VILLANUEVA

DAHIL

kinuwento ni Santy ang naganap na labanan nina Filemon at Caloy kumalat sa iba’t ibang dako ang pangyayari, kabilang nga sa nakasagap ng balita sina Tandang Goring at Tandang Egle.

“Sa naganap, pinatunaya­n lang na mali ang hinala nating magiging salot si Filemon paglaki,” wika ni Tandang Goring.

“Tama ka, Goring,” sagot ni Tandang Egle. “Kaya sa nangyaring ito, damang-dama ko ang sumbat ng aking konsensya.”

“Ako rin, Egle,” wika ni Tandang Goring.

“Maling-mali talaga ang hinala,” sagot ni Tandang Egle. “Buti na lamang at hindi siya naagas sa ipinainom kong mabagsik na gamot na pampalagla­g.”

“Malilimuti­n ka na talaga, Egle,” wika ni Tandang Goring.

Saglit na natigilan ang mahusay na albularya ng barangay Bayanbayan sa layuning ibalik sa isipan ang nakaraang pangyayari­ng may kaugnayan sa paksang pinag- uusapan nila ng kababata at matalik na kaibigan. Hindi naman nabigo si Tandang Egle sa ginawa dahil makaraan lang ang ilang sandaling pagbabalik-alaala, pumitik sa isip ang bagay na nais maalaala.Ang tunay na dahilan kung bakit hindi nalaglag ang anak ng nilikhang bongo. Ang pagbibigay ng nilikhang bonggo ng kakaibang dahon ang nagpawalan­gbisa sa ipinainom niyang gamot kay Klaret.

“Tama ka, Goring,” wika ni Tandang Egle. “Ang kakaibang dahon na ibinigay ng nilikhang bonggo kay Klaret ang tunay na dahilan.”

“Buti naman at naalaala mo, Egle,” sagot ni Tandang Goring.

“Hindi pa naman malala ang sakit kong kalimot,” sagot ni Tandang Egle.

“Muli, pasalamat tayo sa Diyos at hindi pinahintul­utan ang masama nating binabalak sa anak ni Klaret,” wika ni Tandang Goring. “Kung nangyari ‘yun baka buhay pa tayo, sinusunog na ang kaluluwa natin sa dagat-dagatang apoy!”

Hindi lamang sila Tandang Egle at Tandang Goring ang ganap na nagbago ang pananaw sa pagkatao ni Filemon. Ganap ding natanggap ng mga kabarangay si Filemon kahit na anak ng bonggo bilang pangkarani­wangmamama­yan na ng barangay Bayan-bayan. Tuwang-tuwa rin sila Mang Dalmacio at Aling Bening dahil natitiyak nilang hindi na mangangani­b ang apo sa mga kabarangay na may lihim na galit sa mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an.

“Bening, tiyak ko, tuwang-tuwa ka sa bagong pagturing ng mga kabarangay natin kay Filemon,” wika ni Mang Dalmacio.

“Tama, Dalmacio,” sagot ni Aling Bening.

“At ang isa pang magandang pangyayari, napatunaya­n ng mga kabarangay nating mabuti at malapit sa Diyos si Filemon ,” paliwanag ni Mang Dalmacio.

“At patunay rin ang pangyayari­ng ito na kahit sa liblib na lugar tulad ng ating barangay, naghahari ang kapangyari­han ng Diyos,” wika ni Aling Bening. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines