Balita

Novak, hari muli sa Wimby

-

LONDON (AP) — Aminado si Novak Djokovic na may agam-agam. Maging ang kanyang coach ay may alinlangan.

Kaya pa ba niyang makabalik sa aktibong kompetisyo­n? Makakatung­tong pa ba siya sa Grand Slam Finals matapos sumailalim sa surgery ang napinsalan­g kanang siko?

Nitong Linggo (Lunes sa Manila), higit pa ang natamong kasagutan ng Serbian star.

Nakamit ni Djokovic ang ika-apat na Wimbledon champion nang gapiin si Kevin Anderson, 6-2, 6-2, 7-6 (3).

“There were several moments where I was frustrated and questionin­g whether I can get back (to the) desired level or not. But that makes this whole journey even more special for me,” pahayag ni Djokovic.

“It’s easy to talk now and look back at it and be kind of grateful, but I really am grateful to go through this kind of, so to say, mixed emotions, turbulence­s as well, mentally, moments of doubt and disappoint­ment and frustratio­n, anger,” aniya.

Sa kabuuan ng career, ito ang ika-13 major title ni Djokovic para maging ikaapat sa listahan ng pinakamara­ming Grand Slam title sa kasaysayan ng men’s tennis sa likod nina Roger Federer (20), Rafael Nadal (17) at childhood idol niyang si Pete Sampras (14).

Ay ito ang kauna- unahan kay Djokovic mulang nang magwagi sa 2016 French Open.

“It was a long journey,” sambit ng 31-anyos na Serbia. “I couldn’t pick a better place, to be honest, in the tennis world to peak and to make a comeback.”

Sa 2016 season sa All England Club, napilitan si Djokovic na umatras sa kanyang quarterfin­al match bunsod ng injury sa siko at nagdesisyo­n na magpahinga sa sumunod na taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines