Balita

Pinoy, bahagi ng tagumpay ng France sa World Cup

-

MOSCOW (AP) – Ipinagbuny­i ng French National Men’s Football team ang ikalawang World Cup nang gapiin ang Coratia, 4-2, nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Kinilala ng koponan ang kahalagaha­n ng pagkakaisa, teamwork at pagmamahal sa bayan, sakabila ng katotohana­n na nagmula sa migranteng pamilya mula sa iba’t ibang bansa ang halos kahati sa miyembro ng French Team.

At kabilang ang lahing Pinoy sa matagumpay na kampanya ng France – sa ikalawang pagkakatao­n – sa World Cup.

Pinoy ang magulang ni FilipinoFr­ench goalkeeper Alphonse Areola.

KEEP CALM ! The World Cup is here ! CHAMPION DU MONDE ! — Alphonse Areola (@AreolaOffi­ciel) July 15, 2018, ang mensahe sa Twitter ni Areola.

Ipinangana­k ng Pinoy immigrant sa France ang 25-anyos na si Areola. Miyembro siya ng National Youth team ng France mula noong 2008.

Itinanghal siyang bayani ng France sa 2013 FIFA U-20 World Cup Final nang ma- saved ang spot-kicks mula kina Uruguay’s Emiliano Velázquez at Giorgian De Arrascaeta sa penalty shootout para pangunahan ang kauna-unahang titulo ng France sa naturang torneo.

Nagsimula sa senior team si Areola, naglalaro sa club team Paris Saint-Germain, noong 2015. Noong 2011, inimbitaha­n si Areola na maglaro sa Philippine Azkals.

“I’m happy and proud of the Azkals because they have made rapid progressio­n,” pahayag noon ng 19-anyos na Areola. “I used to tell my mother it was my dream to have a football team for the Philippine­s, and now it’s happening.”

Sa kasalukuya­n, umaani ng tagumpay ang Azkals sa internatio­nal tournament at kamakailan lamang ay nag- kwalipika sa 2018 AFC Asian Cup.

 ??  ?? Areola: Purong Pinoy na World Cup winner.
Areola: Purong Pinoy na World Cup winner.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines