Balita

Ulan ng ‘Inday, habagat, buong linggo na

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Tinawag na ‘Inday’ ang bagyong namuo sa silangang bahagi ng bansa, na inaasahang patuloy na lalakas dulot ng epekto ng habagat, at tinatayang magdudulot ng tuluy-tuloy na pagulan hanggang sa pagtatapos ng linggong ito.

Ayon kay Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA)-Weather Division Chief Esperanza Cayanan, magdudulot ang Inday ng pabugsobug­so hanggang sa malakas na pagulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Apayao, Zambales, Bataan, Pampanga, at Bulacan.

Samantala, kalat-kalat na mahina hanggang sa bahagyang ulan ang mararanasa­n sa Metro Manila, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Cavite, Batangas, Laguna, Aurora, Nueva Ecija, at Tarlac, hanggang Biyernes.

Pinaaalala­hanan naman ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat at magbantay kaugnay ng banta ng baha at landslide, lalo na ang mga nakatira sa mabababa at bulubunduk­ing lugar.

Kahapon ng tanghali ay tinatayang nasa 660 kilometro sa silangan-timogsilan­gan ng Basco, Batanes ang Inday, na may lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometers per hour (kph) at pagbugsong nasa 65kph.

Inaasahan namang tatahakin ng Inday ang silangan patungong hilagangsi­langan sa mga susunod na araw.

Sa latest track ng PAGASA, hindi inaasahang magla-landfall ang bagyo, bagamat patuloy na lalakas ito dulot ng habagat.

Makakarana­s naman ng mga pagulan dahil sa habagat sa Bicol Region at Visayas, habang maulap na may kasamang pag-ulan ang mararanasa­n sa Mindanao.

Naglabas din ang PAGASA ng general flood advisory sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Zambales, Bulacan, Rizal, Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Palawan, Romblon, Antique, Aklan, Iloilo, Negros Occidental, Cagayan, Isabela at Quirino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines