Balita

Charity golf para sa ex-PBA players

- Marivic Awitan

MAGDARAOS ang Samahan ng mga Dating Propesyona­l na Basketboli­sta ng Pilipinina­s Foundation Inc. ( SDPBPFI) ng isang charity golf tournament para simulan ang kanilang fund-raising campaign upang makatulong sa mga kapwa nila dating manlalaro na may karamdaman.

Ayon kay SDPBPFI chairman Atoy Co, nakatangga­p ang kanilang bagong buong asosasyon ng seed fund na P1 milyon mula sa UNTV owner na si Daniel Razon. Ngunit kailangan pa nilang patuloy na mangalap ng pondo upang matustusan ang kanilang programa.

“We’ve already spent some of the money by giving help. So we decided to start having programs like this golf event,” ani Co sa Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) Forum saTapa King Cubao, Quezon City.

Bagamat di nagbanggit ng pangalan,sinabi ni Co na maraming mga dating PBA players ang may karamdaman at hindi magawang makabili ng kanilang maintenanc­e medication.

“We have to think of ways to raise money to help our co-players,” anang dating Crispa star.

Ang unang proyekto ng grupo ay tatawaging 1st PBA Legends Golf Tournament na gaganapin sa Hulyo 26 sa Wack Wack Golf and Country Club.

Ayon sa isa pang PBA legend na si Allan Caidic, maliban sa golf tournament ay may nakaplano ng exhibition games sa Oktubre tampok ang mga dating players ng SMB at Alaska gayundin ng Ginebra at Purefoods.

“You’ll see me, Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa, Jerry Codinera, Bong Alvarez, probably Hector Calma, Franz Pumaren play. It’s going to be fun, it’s going to be an exciting day for basketball fans,” ayon kay Co.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines