Balita

Blackwater at NLEX, humirit sa Asia League KUMASA!

-

MACAU --- Matikas na sinimulan ng Blackwater Elite at NLEX Road Warriors ang kampanya sa Asia League Super 8 sa impresibon­g panalo nitong Martes sa East Asia Games Dome dito.

Sa harap nang nagbubunyi­ng Overseas Filipino Workers (OFW) ginapi ng Elite ang Seoul Samsung Thunders, 78-67,

Sunod nilang makakahara­p ang. China’s Guangzhou Long Lions para sa solong liderato sa Group B.

Giniba naman ng Road Warriors ang Formosa, 9468. Nakalinya sa kanilang kampanya sa Group A ang Etland Elephants.

Hataw si JP Erram sa naiskor na 20 puntos mula sa 9-of-11 shooting, 16 rebounds, tatlong blocks, dalawang assists, at dalawang steals para sa Elite, habang kumana si Raymar Jose ng 14 puntos at anim na boards.

Nag- ambag si Paul Zamar ng 11 puntos.

Umarya ang Blackwater sa first half, ngunit ratsada sa second half ang karibal para makadikit sa 66-62 mula sa split free throw ni dating Phoenix import Lee Gwan Hee sa kalagitnaa­n ng final period.

Nagpakatat­ag ang Elite ay nakipagpal­itan ng puntos sa krusyal na sandal bago tuluyang nakalayo mula sa 10-0 run at mahila ang bentahe sa 76-62 may 1:37 ang nalalabi sa laro.

Iskor: (Unang Laro)

BLACKWATER 78 – Erram 20, Jose 14, Zamar 11, Belo 9, Maliksi 8, DiGregorio 7, Banal 3, Javier 2, Palma 2, Pinto 2, Sumang 0.

SEOUL SAMSUNG 67 – Kim DU 16, Kim HS 16, Lee 12, Cha 7, Cheon 6, Bae 5, Hong 3, Jang 2, Choi 0.

Quarters: 21- 16, 41- 37, 6359, 78-67.

(Ikalawang Laro) NLEX 94 - Ighalo 14, Quinahan 12, Soyud 12, Tiongson 9, Buenafe 9, Marcelo 8, Taulava 7, Gotladera 7, Baguio 6, Uyloan 5, Tallo 3, Monfort 2

Formosa 68 - Chien 18, Yang 13, Barratt 12, Wu 11, Lin 5, Chih 4, Wei 3, Li 2, Lee 0, Cai 0, Chieh 0.

Quartersco­res: 26-14, 58-27, 79-42, 94-68

 ?? ASIA LEAGUE ?? IMPRESIBO ang kampanya ng NLEX Road Warriors sa matikas na panalo laban sa Formosa sa opening day ng Asia League Super 8 nitong Martes sa East Asian Games Dome sa Macau.
ASIA LEAGUE IMPRESIBO ang kampanya ng NLEX Road Warriors sa matikas na panalo laban sa Formosa sa opening day ng Asia League Super 8 nitong Martes sa East Asian Games Dome sa Macau.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines