Balita

Federal shift wa’ epek sa e ekonomiya

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sa kabila ng mga alalahanin ng economic managers ni Pangulong Duterte, ang panukalang palitan ng federal na sistema ang gobyerno ay walang negatibong epekto sa ekonomiya, ayon sa Malacañang.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos sabihin ni National Economic and Developmen­t Authority (NEDA) Director-General and Secretary Ernesto Pernia na hindi pa handa ang rehiyon para sa naturang sistema.

Sa isang pahayag, sinabi ni Roque na nilinaw na nila kay Pernia ang usapin.

“The shift to federalism, we reiterate, would have no adverse effect on the Philippine economy,” ani Roque.

“Our budget would remain the same, as identified national projects would be devolved and transferre­d to the internal revenue allotment (IRA) of local government units,” dagdag niya. Ipinaliwan­ag ni Roque na ang mga proyektong ito ay binubuo ng maintenanc­e ng kalsada at tulay sa mga barangay, water supply services, barangay health centers at daycare centers, solid waste and disposal system ng munisipali­dad, at iba pa. Aniya, ang tungkulin ng gobyerno na ipagpatulo­y ang pagpapatup­ad ng “Build, Build, Build” projects ay nakatuon sa policy-making. Sa isang panayam sa One News, ibinabala ni Pernia ang epekto ng pagpapalit ng sistema sa ekonomiya.

“Expenditur­e will be immense if we go to federalism, and we estimate that the fiscal deficit to the GDP (gross domestic product) ratio can easily jump to maybe six percent or more, and that’s really going to wreak havoc in terms of our fiscal situation,” sabi ni Pernia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines