Balita

Kris, maraming nagtatangg­ol

- Ni REGGEE BONOAN

“ANG taray ni Kris ( Aquino), ang daming nagtatangg­ol sa kanya, huh? Trending siya sa social media!” Ito ang obserbasyo­n ng ilang katoto na minsang naging close sa Queen of Online World and Social Media. Nitong mga huling araw kasi ay kaliwa’t kanang batikos ang natikman ni Kris mula sa mga taong ayaw sa kanya; sinasabing hindi raw malakas ang pelikulang I Love You, Hater, at nasira pa raw ang record ng JoshLia tandem nina Joshua Garcia at Julia Barretto, dahil hindi impressive ang opening day nito na P5.5 milyon.

Pero maraming umalma, dahil hindi naman daw si Kris ang dapat sisihin. Group effort naman daw iyon ng mga kasali sa pelikula, bukod pa sa kaliwa’t kanang promo ng Star Cinema.

Halos lahat ng nakapanood ng I Love You, Hater ay pinuri ang kuwento ng pelikula, dahil relatable sila sa bawat karakter na ginagampan­an nina Kris, Julia, at Joshua.

Ang P5.5 milyon ay umakyat sa P40M pagkalipas ng limang araw (July 15) ng pagpapalab­as nito and still counting. Nitong Lunes at Martes, kahit na nananalasa ang bagyong ‘Henry’, ay hindi nagpatinag ang I Love You, Hater sa mga sinehan. Pamipamily­a ang nakita naming mga nanood, kasama pa ang mga lola. Naging family day tuloy ang mga nasabing araw na walang pasok ang mga estudyante sa eskuwelaha­n.

Partida, hindi pa nakapag-promote nang husto si Kris sa mga show ng ABS-CBN dahil hindi nag-swak sa schedules niya, kaya sa pamamagita­n ng social media accounts niya siya nag-promote nang husto, kahit pa nasa ibang bansa siya.

At hindi ni inakala ni Kris na sa kabila ng mga negatibong nasusulat at nababasa galing sa “haters” niya ay sangkaterb­a ang nagtatangg­ol at sumuporta sa kanya para panoorin ang I Love You,

Hater, mula sa mga hindi inaasahang tao, bukod pa sa napakarami niyang kaibigan na nag-organisa ng block-screenings.

Kaya inamin ni Kris sa kanyang mga post sa Instagram na naluluha siya sa galak dahil napatunaya­n niya kung sinusino ang tunay niyang kaibigan, na maski matagal na niyang hindi nakakausap ay hindi nakalimot sa kanya. Isa-isa niyang pinasalama­tan ang mga ito, sabay post ng tickets na mula mismo sa mga nanood.

Hindi rin inaasahan ni Kris na may silent supporter siya, at hindi sila personal na magkakilal­a, pero nalaman niyang bumili ng maraming tickets para i-blow out ang buong staff ng Beautederm Clinic. Kasama pa ang buong pamilya nang nanood ng I Love You, Hater si Ms Rhea Ramos Anicoche-Tan.

Ipinadala pala ni Darla Sauler ang mga ticket na binili ni Ms Rhea Tan kay Kris, kaya personal na tinext ng Queen of Social Media ang Beautederm owner at nagpasalam­at sa suporta.

As of this writing ay nakabalik na sa bansa sina Kris, Joshua at Bimby kasama ang KCAP Team galing sa Hong Kong para sa Cathay Airline webisode shoot, at back to work ulit sila this week.

Anyway, tinext namin ang taga-Star Cinema kung ano na ang update ng I Love You, Hater pero hindi kami sinagot pa. Baka manggugula­t na lang ulit kung nakakamagk­ano na. Speaking of the movie, may ipinost ang manager ni Kris na si

Erickson Raymundo ng Cornerston­e. Puring-puri ng executive producer ng I Love You, Hater ang aktres.

Post ni Erickson sa kanyang IG: “I got a text message from the producer (@ raikintana­r) of #ILoveYouHa­ter 2 weeks ago praising @krisaquino’s profession­alism since day 1.

“She said, Kris was very cooperativ­e and understand­ing despite many challenges. Kris actually had an early morning flight the day after the last shooting day. Her road manager gave her an early cut-off that day since they will be coming from Bataan but Kris was generous with her time and understood that Production needed her to finish the shoot and the dubbing and stayed until 3am- way past her cut-off.

“Rai also mentioned that Kris was their ray of sunshine during the whole duration of their shoot. Every time she enters the set, the crew and staff lighten up. I think she is just like Sasha. Sasha’s energy is contagious which gives you, the viewer, an electric feeling while watching.

“I hope everyone gets to watch this movie. It’s really a good stress-reliever. And the movie will make you appreciate your loved ones and the value of honesty.

#KrisAquino #StarCinema #ILoveYouHa­ter#NowShowing.” Naalala namin ang usapan namin dati ni Erickson na natutuwa siya kay Kris dahil masarap kausap at kasama, kaya maski na taklesa ay wala siyang babaguhin dito dahil minahal ito ng lahat sa ugali nito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines