Balita

Nasaan ang tsinelas ko?

- Aris Ilagan

‘WALANG tigil ang ulan…at nasaan ka araw?’ Type n’yo bang sabayan ako sa pagawit ng ‘Nakapagtat­aka’ na pinasikat ng beteranong singer na si Haji Alejandro a.k.a. ‘Kilabot ng mga Kolehiyala.’ Noong dekada ‘80, walang sablay na inaawit ng barkadahan ito sa tuwing bubuhos ang ulan nang walang tigil, tulad ng nararanasa­n natin ngayon.

‘Napano na’ng pag-ibig sa isa’t isa?’

‘Wala na bang nananatili­ng pagasa?’

‘Nakapagtat­aka, saan na napunta?’

Napaka-romantic, ‘di ba? Ang sarap talagang ma-in love.

Subalit habang kinakanta ito sa isang sulok ng aming garahe kahit pabulong, biglang pumasok sa aking isipan ang kaawa-awang kalagayan ng ating mga kababayan ngayong kasagsagan ng buhos ng ulan.

Nasa headline ngayon ng mga pahayagan ang mga larawan ng kalunus-lunos na sinapit ng libulibong taga-Metro Manila na nalubog sa baha, naipit sa trapik at halos namuti ang mata sa kahihintay ng pampubliko­ng sasakyan.

Halos ano mang sulok sa Kalakhang Maynila ay may ganitong eksena.

Taun-taon ay ganito ang ating nararanasa­n. Ngayon, ito ang tanong. Bumubuti na nga ba ang kalagayan nating mga taga-Metro Manila kumpara sa mga nakaraang dekada?

Dati-rati, kapag bumaha sa isang lugar halos isang linggo na ang nakararaan ay hindi pa rin ito humuhupa.

Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming kabataan ang nahihilig sa paglangoy dahil sa pagsabak nila sa baha at binabalewa­la ang posibleng karamdaman na posibleng maidulot nito.

Dahil sa tagal ng paghupa ng baha, may mga kabataang nagnanakaw ng tsinelas na iniwan sa bukanan ng pintuan ng bahay.

Ito’y hindi gagamitin bilang proteksiyo­n sa paa ngunit hihiwain at gagawing bangka na ikakarera sa baha.

At kapag hindi umaagos ang baha, lalagyan nila ang bangkang tsinelas ng layag na ginupit mula sa plastic cover ng kanilang school notebook.

Habang aliw na aliw ang mga kabataan sa karera ng bangka, lugmok naman ang mga magulang habang nakadungaw sa bintana ng kanilang bahay.

Kailan kaya huhupa ang baha? Paano na ang labada? Kailan kaya magbubukas muli ang klase?

Karadalasa­n noon, habang mataas at hindi humuhupa ang baha ay wala ring supply ng kuryente.

Masuwerte pa tayo ngayon at maganda na ang serbisyo ng PAGASA (Philippine Atmospheri­c Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion) dahil sa dami na kanilang ginagamit na weather forecastin­g equipment.

Masasabi rin natin na mas accurate ang pagbabalit­a ng PAGASA sa mga paparating na bagyo kaya’t nakapaghah­anda na tayo.

Kaya relax lang, mga pare at mare ko!

Kanta muna tayo: Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay…

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines