Balita

Senator Willie Revillame?

- Erik Espina

SA pondahan ng mga kolumnista, editors, congressme­n, senador, at abogado ni “Wowowin” na si Atty. Boy Reno, nadantayan namin ang tungkol sa posibleng paglusong ni Willie Revillame sa pulitika sa 2019. Nasimulan ang usapan at palitan ng kuro-kuro tungkol sa kung sinusino ang mga pangalang maaaring kumandidat­o sa malawak na lungsod ng Quezon City.

Nabanggit si Willie Revillame na baka tumakbo bilang alkalde, habang ilang kilalang apelyido ang nakakabit sa pagka-vice mayor. Nagugunita ko tuloy dati noong napabalita­ng si may planong maging mayor ng QC si Joey de Leon. Nayanig, hindi lang silya ng mga nakaupong pulitiko noong 2016, bagkus buong lungsod, dahil malakas na bagyo ang maaaring dumatal.

Dati-rati pa, sumingaw din ang balitang may plano raw si Kris Aquino sa kaharian ni “Bistek”? Nitong nagdaang taon, lumantad ang tsismis na sa Manila naman susubok ang “dilawang” artista?

Hindi pa talaga natin masasabi kung ano ang nasa isip ni Willie. Malinaw sa umpukan naming na magiging magastos at madugo ang tagisan kung itutuloy ng TV host na makipagban­ggaan sa Bise Alkalde na si Joy Belmonte sa susunod na taon. Mula sa angkan ni dating Speaker Sonny Belmonte ang makakahara­p ni Willie. Dating may-ari ng isang malaking pahayagan, na nilako ng ilang bilyong piso. May ilang gusali ng mga condominiu­m din ang pamilya.

Kung pakikingga­n ang payo ng mga matatanda, mas mainam at mas makasisigu­ro si Revillame kung tatakbo ito sa nasyunal na halalan. Malaki ang tantsa niya kung kandidato sa pagka-senador. Hindi pa ganoon kalaking pondo ang kakailanga­ning iluwal sa kampanya dahil kilala na nga ito sa kanyang programa, at higit, sa kawanggawa.

Mahirap maging mayor ng QC. Umaga pa, pupuntahan at hahanapin ka na ng mga tao araw-araw. Bilang ama ng siyudad, mabigat ipagsabay ang arawang telebisyon at pagpapatak­bo ng city hall. Habang sa senado, medyo mas magaan ang oras dahil hapon ang session. Tsaka maaari pa niyang ipagpatulo­y ang kanyang programa. Sa kampanya pa lang, tatabo na sa entablado. At ngayon pa lang, marami nang kandidato sa senado ang gusto makasama si Willie sa kampanya, kasi nga dadagsain siya ng tao.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines