Balita

Zanjoe at Empoy, instant ang koneksiyon

- Ador V. Saluta

BISING- BUSY sa promo ng kanilang pelikula sina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez, sa una nilang pagtatamba­l sa Kusina Kings, ng Star Cinema.

Una nila itong in-announce sa It’s Showtime, at kuwela sa madlang pipol ang bagong comedy tandem nina Zanjoe at Empoy.

Sa panayam sa dalawa, sinabi nilang hindi sila nahirapan na kilalanin ang isa’t isa dahil natural na lumalabas sa set ng kanilang pelikula ang kanilang connection.

“On-cam, off-cam, ganun kami ni Z. ‘Yung batuhan namin ng linya. Wala kaming hinahanap na bagong ano. Nandun na sa reality ang dapat namin ikilos sa shooting namin,” ani Empoy.

“Nagwo-work na kung paano kami sa totoong buhay. Ganun na rin ang dapat gawin namin sa movie lalo na ito ang una naming tandem,”sey naman ni Zanjoe .

Kuwento pa ni Zanjoe, matagal na silang nagkasama ni Empoy sa ibang proyekto.

“First project ko dito sa ABS [CBN] kasama ko siya sa isang teleserye and then sa ibang pelikula nagkakasam­a na kami,” ani Zanjoe. “Ganun kasi kapag may nakita ka sa isang tao, kahit bago kakilala pa lang, parang makikita mo agad ang connection. Siguro dahil pareho kami taga-probinsiya at laking kalye, nagkokonek agad kami parehas.” Si Empoy naman, nakita ang talent ni Zanjoe sa pagpapataw­a, na mapapanood sa mga eksena ng Kusina Kings, na showing na sa July 25.

“Yung pagmamahal niya sa trabaho, ‘yung dedication niya. Nakita ko na versatile siyang actor. Puwede sa drama, puwede sa comedy. Kahit saan puwede siya,” pahayag pa ni Empoy.

 ??  ?? Zanjoe
Zanjoe
 ??  ?? Empoy
Empoy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines