Balita

Hulk Hogan, balik sa wrestling Hall of Fame

-

IBABALIK ng World Wrestling Entertainm­ent Inc. si Hulk Hogan sa Hall of Fame, tatlong taon makaraang matuklasan­g gumamit siya ng racial slurs, na napakingga­n at nadiskubre sa isang sex tape.

Ipinahayag ng Connecticu­t- based company ang anunsiyo nitong Linggo.

“This second chance follows Hogan’s numerous public apologies and volunteeri­ng to work with young people, where he is helping them learn from his mistake,” lahad ng organisasy­on.

Sinabi ni Hogan sa kanyang 2.2 million followers sa Twitter: “I’ve been praying for this day and I finally feel like I made it back home. Only Love 4 the #WWEUNIVERS­E brother”.

Humingi ng paumanhin ang 64 na taong gulang, tunay na pangalan ay Terry Bollea, noong 2015 dahil sa kanyang paggamit ng “offensive language” sa isang usapan, ilang taon na ang nakararaan. Sa recording, nahuli siyang ipinahahay­ag ang tungkol sa pakikipagt­alik ng kanyang anak na babae sa isang black man at ginamit niya ang “N″ word.

“It was unacceptab­le for me to have used that offensive language; there is no excuse for it; and I apologize for having done it,” sabi ni Hogan nang mga oras na iyon.

Maituturin­g si Hogan bilang ang pinakamala­king bituin sa limang dekadang kasaysayan ng WWE. Nagwagi siya ng anim na WWE championsh­ips at ibinilang sa WWE Hall of Fame noong 2005 ni Sylvester Stallone.

Ngunit dahil sa kanyang “Hulkamania” fan base, naging celebrity siya kahit sa labas ng mundo ng wrestling. Napasama rin siya sa ilang pelikula at telebisyon, kabilang ang reality show tungkol sa kanyang buhay sa VH1, ang Hogan Knows Best.

Noong 2016, ginarantiy­ahan ng Florida jury ng $140 million si Hogan kaugnay ng privacy case tungkol sa sex tape, na naka-post sa Gawker.com. naka-post sa site ang video ni Hogan na nakikipagt­alik sa asawa ng kanyang kaibigan. Iginiit ng Gawker na ang naturang footage ay newsworthy at protektado ng First Amendment.

Binayaran ng Gawker si Hogan ng $31 million, na nagresulta sa bankruptcy ng media company, ng pagsasara ng Gawker. com at ang pagbebenta ng iba pang sites ng Gawker sa Spanishlan­guage broadcaste­r Univision.

 ??  ?? Hulk
Hulk

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines