Balita

PECA, kaagapay ng ONE Meralco

-

ISINIWALAT kahapon ni Philippine Executive Chess Associatio­n ( PECA) founding president Atty. Cliburn Anthony A. Orbe na kaagapay ng kanilang asosasyon ang One Meralco Foundation Inc. ang pagtulong sa mga kabataang chess player.

“In cooperatio­n with One Meralco Foundation Inc. we (PECA) will donate P10,000 worth of chess materials to schools.” sabi ni Atty. Orbe na treasurer din ng National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP).

Matagal ng sumusuport­a ang One Meralco Foundation Inc. sa mga public schools sa pagsasagaw­a ng libreng chess clinics at chess tournament­s na malaking tulong sa mga batang players.

Magsasagaw­a ng magkasunod na torneo ang PECA sa tulong ng Alphaland Mall at One Meralco Foundation Inc. sa darating na Hulyo 28 at 29 na gaganapin sa bagong venue ang Meralco Fitness Center sa Ortigas na ang orihinal na chess venue ay sa Alphaland Mall sa Makati kung saan mapapanood ng live ang mga laro sa you tube channel at facebook ng National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP).

Sa Hulyo 28, lalarga na ang 7th leg ng Alphaland National Executive Chess Championsh­ips kaalinsaba­y din ng pagdaraos ng kiddies division na susundan naman sa Hulyo 29, 2018 ng 2nd Alphaland Open Chess championsh­ips sa bagong venue na Meralco Fitness Center sa Ortigas Avenue, Pasig City.

Para sa detalye, makipag-ugnayan kina Atty. Cliburn Anthony Orbe sa 0918-897-4410, Dr. Jenny Mayor sa 0935-100, 4755, Dr. Alfredo “Fred” Paez sa 0921-272-8172, at NM Efren Bagamasbad sa 0915-720-9145 para sa dagdag detalye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines