Balita

Dagdag na atleta, asam ng PWF sa Asiad

- Annie Abad

IGINIIT ni Philippine Weightlift­ing Associatio­n (PWA) president Monico Puentevell­a na kailangan ng mga batang weightlift­er ang exposure sa Asian Games para makondisyo­n ang kaisipan tulad ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz.

Dahil dito ay muling irerekumen­da ni Puentevlla ang apat na pambato ng PWA para makasama sa listahan ng mga atletang sasabak sa Asian Games ngayong Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Palembang, Indonesia.

Ang apat na weigthlift­ers na nais ni Puentevell­a na isama sa Asiad ay sina Elien Rose Perez, Ma. Dessa Delos Santos, Elreen Ann Ando at si Jeffrey Garcia na unan nang naiwan sa listahan ng 272 atleta na sasabak patungong Indonesia.

Sa kasalukuya­n, tanging si 2016 Rio de Janeiro silver medalist Hidilyn Diaz ang siguradong pambato ng bansa sa nasabing quadrennia­l meet, kasama sina Nestor Colonia at Kristel Macrohon.

“You cannot produce an Olympic medalist if you don’t expose them against the best competitor­s in weigthlift­ing,” ayon sa dating Philippine Sports Commission (PSC) commission­er na si Puentavell­a.

Samantala, naniniwala naman si PSC commission­er Ramon Fernandez na kailangan pang mas hubugin nang husto ang apat nabanggit na mga weightlift­ers, upang mas lalo umanong maging matibay sa pagsabak sa mga hinaharap na kompetisyo­n.

“Expose muna nila sa mga internatio­nal events, and when they reach a certain level of performanc­e then send to IOC events,” pahayag ni Fernandez na kababalik lamang buhat sa Amman Jordan matapos samahan ang grupo ng bagong National Sports Associatio­n (NSA) na Karate Pilipinas na humingi ng pagkilala sa World Karatedo Federation (WKF).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines