Balita

NCAA On Tour sa JRU

-

MATAPOS ang dalawang kanselasyo­n, paparada na rin ang Arellano University para simulant ang kampanya laban sa Emilio Aguinaldo College sa pagbabalik ng aksiyon ngayon sa 94th NCAA basketball tournament sa Arellano U Gym sa Legarda, Manila.

Hindi nakapagala­ro ang Chiefs sa unang dalawang iskedyul bunsod nang parehong kanselasyo­n bunsod ng masamang panahon. Haharapin sana ng Chiefs ang San Beda Lions nitong July 10 at Perpetual Help Altas nitong Martes.

“The boys are excited and eager to play this season,” sambit ni AU coach Jerry Codinera.

Ngunit, ang masamang panahon ang nagdulot din ng kanselasyo­n sa ensayo ng Chiefs.

“We couldn’t practice for several days because some of the players got stranded due to flooding and we also can’t use our court because of the moist caused by the rains,” sambit ni Codinera. “So we really don’t know what will happen tomorrow (today), we’ll just do what we can to win.”

AU will also be without Kent Salado, its unquestion­ed leader who suffered a season- ending injury early in the year.

Inaasahan niya na hahataw sina Michael Canete, Rence Luis Alcoriza, Levi dela Cruz, Archie Concepcion at Elie Ongolo Ongolo.

Kahit nabigi, impresiboa ng laro ng EAC nang mabigo ng Lyceum of the Phl U, 97- 106, nitong Biyernes.

Nagbabalik aksiyon din sa Arellano si Cameroonia­n Hamadou Laminou, nagtamo ng ACL (anterior cruciate ligament) injury sa nakalipas na season.

“I’m happy with how he ( Laminou) played in our last game and I’m hopeful he could sustain that kind of game the rest of the way,” pahayag ni EAC coach Ariel Sison.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines