Balita

Saksakan sa likod

- Celo Lagmay

NANG pangalanan ni Secretary Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang sinasabi niyang utak ng demolition job laban sa kanya, bigla namang sumagi sa aking utak ang gayon ding mga eksena na palasak hindi lamang sa mga tanggapan ng gobyerno kundi maging sa pribadong sektor. Ang ganitong nakadidism­ayang paninira na may kaakibat na inggitan at pang-aagaw ng puwesto ay malimit taguriang saksakan sa likod.

Hindi ko tatangkain­g busisiin ang masalimuot na intrigahan sa DoLE na sinasabing kinapapalo­oban ng suhulan ng limpak-limpak na salapi. Sapat nang mabatid natin na labis na ipinanggal­aiti ni Bello ang mga akusasyon laban sa kanya kasabay ng matinding hamon: Ihabla ninyo ako kung kayo ay may matibay na mga ebidensiya. Pagpapauba­ya ito sa mga hukuman upang matiyak kung ang naturang mga bintang ay suportado ng mga katibayan; kung ang mga iyon ay paninira lamang, lalo na ngayon na tila matunog ang kanyang pangalan upang pumalit sa Office of the Ombudsman.

Bilang isang pagbabalik-tanaw, matagal ko nang napatunaya­n ang pagiging maingat ni Bello sa pagtupad ng isang makabuluba­ng misyon sa gobyerno. Matagal-tagal din naman kaming nagkasama sa President Ramos cabinet. At hindi miminsan siyang naging Secretary of Justice (DoJ).

Kaugnay ng kasabihang saksakan sa likod, hindi lamang sa DoLE iyon nagaganap. Marami nang pagkakatao­n na ang isang Kalihim ng Gabinete ay natatangga­l dahil sa paninira ng kanyang mga nasasakupa­n; mistulang pinaglalam­bitinan sa pamamagita­n ng pagsasampa ng katakut-takot na asunto. Palasak ang crab mentality, wika nga.

Ang naturang pataksil na sistema ay lalong palasak sa pulitika. Hindi ba may pagkakatao­n na ang isang vice mayor ay napagbinta­ngang utak ng pagpatay sa kanyang Alkalde upang makapangag­aw ng kapangyari­han? Hanggang ngayon, tayo ay ginugulant­ang ng ganitong malagim na pangyayari.

Manaka-naka ring lumulutang ang gayong malagim na eksena sa larangan ng pagnenegos­yo. Bunsod ito ng pagkagaham­an sa limpak-limpak na pakinabang sa mga proyekto, lalo na sa mga kontrata mula sa gobyerno.

Mawalang-galang na sa ating mga kapatid sa pamamahaya­g, hindi ba ang gayong sistema ay nagaganap din sa iba’t ibang media outfit?

Nangangahu­lugan na ang saksakan sa likod, wika nga, ay umiiral dahil sa makasarili­ng interes at sa pang-aagaw ng kapangyari­han.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines