Balita

Ilang binaha, nasa state of calamity

Nina LIEZLE BASA IÑIGO at ELLALYN DE VERA-RUIZ

- May ulat nina Jojo Riñoza at Franco Regala

DAGUPAN CITY – Nasa 18 bayan sa Pangasinan ang lubog sa baha, at ilang kalsada at tulay ang hindi madaanan.

Kabilang sa mga binaha ang Alaminos City, Bani, Agno, Sta. Barbara, Calasiao, Manaoag, Dagupan City, Mangatarem, Labrador, Mabini, Lingayen, Bugallon, Urdaneta City, Malasiqui, Agno, Natividad, Dasol, at Bayambang.

Hindi naman madaanan ang mga kalsada at tulay na Sitio Putrido at Dimmayat Bridge sa Alaminos; Garita Bridge sa Bani; Macaboboni Sitio Abagutanen, Sabang Agabagatan­en sa Agno; Alibago Dike sa Sta. Barbara; at ang mga kalsada sa mga barangay ng Lasip, Mancup, Talibaew, at Dinalaoan sa Calasiao.

Nagdeklara na ng state of calamity sa buong Dagupan City kahapon, gayundin sa bayan ng Masantol sa Pampanga.

Kasalukuya­ng inaayudaha­n ng pamahalaan­g panglalawi­gan ng Pampanga ang 5, 291 pamilyang binaha sa Masantol.

Samantala, umalis na sa bansa ang bagyong ‘Inday’, at kasunod nito ay namuo naman at naging ganap na bagyo ang ‘Josie’.

Bago magtanghal­i kahapon, itinaas ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) ang Signal No. 1 sa Batanes, hilagang Cagayan, Babuyan group of islands, Ilocos Norte, hilagang Ilocos Sur, Apayao, at hilagang Abra.

Natukoy ang Josie sa 195 kilometro sa kanluran-hilagang-kanluran ng Sinait, Ilocos Sur bandang 10:00 ng umaga kahapon, may lakas ng hanging 45 kilometers per hour (kph), at bugsong nasa 60 kph.

Inaasahan itong kikilos nang mabagal pahilaga-silangan hanggang sa tuluyang lumabas ng bansa bukas.

 ?? JOJO RIÑOZA ?? TIRIK! Itinutulak na lang ang motorsiklo­ng tumirik sa baha sa Dagupan City, Pangasinan kahapon. Idineklara ang state of calamity sa buong siyudad dahil sa matinding baha na dulot ng halos isang linggo nang pag-uulan.
JOJO RIÑOZA TIRIK! Itinutulak na lang ang motorsiklo­ng tumirik sa baha sa Dagupan City, Pangasinan kahapon. Idineklara ang state of calamity sa buong siyudad dahil sa matinding baha na dulot ng halos isang linggo nang pag-uulan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines