Balita

132 tumiwalag sa Kadamay, lider kinasuhan

- Martin A. Sadongdong

Ilang araw bago ang ikatlong Stateof-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, nasa 132 miyembro ng urban militant group Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang piniling tumiwalag at maghain ng kaso laban sa kanilang mga leader para sa umano’y anomaly sa pangongole­kta ng pera para sa kanilang protesta.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan Provincial Police, humingi ng saklolo ang mga dating miyembro ng Kadamay sa kanilang Legal Office upang tulungan silang magsampa ng kaso laban sa 17 nilang leader, nitong Biyernes.

“They approached our office last Friday and I asked our provincial police legal officer [Superinten­dent Ariel Alvarado] to assist them in filing the charges,” sinabi ni Bersaluna sa Balita.

Ayon kay Bersaluna, sinabi ng mga complainan­ts na nais nilang sampahan ng kaso ang dati nilang mga leader para sa umano’y mga anomalya sa pangongole­kta ng pondo para sa kanilang mga aktibidad at rally.

Sinabi rin ng mga complainan­ts na sila ay sinaktan ng kanilang mga leader matapos tumiwalag sa grupo.

Ayon kay Bersaluna, ang insidenten­g ito ay nagpapakit­a na ang Kadamay ay unti-unting nabubuwag sapagkat sa nasabing umabong anomaly sa kanilang samahan.

“Sa kanilang grupo, lumalabas na nagkakawat­ak-watak na sila kasi may discontent within their organizati­on. Mayroong mga reklamo na may korapsyon at tine-threaten daw itong break away members,” paliwanag ni Bersaluna.

Hindi kinumpirma ni Bersaluna ang pagkakakil­anlan ng Kadamay na kinasuhan.

“Kung hindi ako nagkakamal­i, na-file na nila kahapon (Biyernes) sa Prosecutor’s Office noong nagpunta sila sa Hall of Justice,” sambit ni Bersaluna.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines