Balita

‘Pinas bibili ng mga armas sa Russia

- Argyll Cyrus B. Geducos

Itutuloy pa rin ng Pilipinas ang pagbili ng mga armas sa Russia, ayon kay National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon.

Ito ay matapos ipahayag ng Estrados Unidos na wala silang gayong mga armas para magamit ng Pilipinas.

Ito ang naging reaksiyon ni Esperon sa kabila ng polisiya ng Amerika na parurusaha­n nila ang mga bansang bibili ng mga military equipment sa Russia.

Sa kanyang text messages, kinumpirma ni Esperon na naka-order na sila ng mga armas sa nasabing bansa.

“There’s an order placed for some items. It’s a go since US did not make it available to us,” sabi ni Esperon.

Nauna nang iniulat na nangangani­b ang Pilipinas na lumabag sa sanctions ng US kaugnay ng iniulat na pagbili ng bansa ng 750 RPG-7B rocket-propelled grenade launchers sa Rosoroboro­nexport, na pag-aari ng Russia, na nagkakahal­aga ng P400 milyon.

Paliwanag ni Esperon, hindi lamang ang Pilipinas ang bumibili sa Rosoroboro­next kundi maging ang ibang bansa ngunit hindi sila pinaparusa­han.

“By the way, India has bought up to 200 fighter jets from Russia. Yet India was not sanctioned,” paliwanag nito.

Bumili rin, aniya, ng mga fighter jet ang Malaysia at Indonesia sa Russia.

Depensa pa ni Esperon, tanging ang Rosoborone­xport lamang ang authorized exporter ng Russian Federation.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines