Balita

Bebot ‘pinilahan’ ng apat sa bar

- Bella Gamotea

Isang 24-anyos na babae ang halinhinan umanong hinalay ng apat na lalaki sa loob ng isang motel sa Parañaque City, iniulat ng Southern Police District (SPD), kahapon.

Umiiyak ang biktima, 24, tagaSilang, Cavite, nang dumulog sa tanggapan ng Parañaque City Police dahil sa dinanas umanong pangaabuso.

Kasalukuya­ng tinutugis ang mga suspek na sina Phem Arceo y Nuñez, nasa hustong gulang, ng 57 Bagong Lipunan Street, Barangay Baclaran, Parañaque City; Saldy Arumpac, alyas Gatilyo, nasa hustong gulang, ng Bagong Lipunan St., Bgy. Baclaran ng naturang lungsod; isang alyas Miro; at isang hindi pa nakikilala­ng lalaki.

Sa naantalang ulat ng pulisya, naganap ang panggagaha­sa sa loob ng Edison Go Lodge, na matatagpua­n sa 234 Quirino Avenue, Bgy. Baclaran, sa Parañaque City nitong Hulyo 18, dakong 1:00 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigas­yon, magkasaman­g nagpunta sa Baclaran ang biktima at ang kaibigan nito, 33, taga-Cainta,Rizal, upang bumili ng mga damit na gagamitin sana ng biktima sa interview.

Subalit bumuhos ang malakas na ulan at nagpasya ang magkaibiga­n na pumasok sa isang mall sa Baclaran at uminom sa isang bar sa loob mall.

Makalipas ang ilang sandali, nagtungo ang dalaga sa palikuran sa ikalimang palapag ng mall nang bigla umano itong kaladkarin ng isa sa mga suspek na si Miro at sapilitang pinaghahal­ikan.

Sinampal umano ng biktima si Miro bago itinulak, kaya nakatakbo ito pabalik sa kaibigan at itinuloy ang kanilang inuman.

Muling nagtungo sa banyo ang biktima at dito na umano siya puwersahan­g pinainom ng ‘di malamang likido ng apat na suspek at hindi na maalala ang nangyari.

Nagising na lang umano ang biktima na nasa loob ng isang motel, walang suot na damit, at masakit ang buong katawan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines