Balita

Ulan at pagbaha na nag-paalala sa hakbang na ilipat ang pagbubukas ng klase

-

“habagat” ay isang uri ng klima na umiihip ngayong panahon ng taon mula sa timogkanlu­ran. Isang mabigat na singaw ng tubig na nalulusaw mula sa karagatang bahagi ng ekwador patungo sa timog-kanluran, lumalamig ito habang papunta sa hilaga at tumaas sa mga kalupaan, na ibinabagsa­k sa pamamagita­n ng mabigat na buhos ng ulan.

Ngayong nagdaang linggo, pinalakas ang “habagat” ng bagyong “Henry” sa hilagang-silangan ng Luzon, at bumuhos ang ulan sa timog-kanluran ng Luzon, partikular ang Batangas, Rizal, Bataan, Zambales, Metro Manila, at Bulacan. Sinuspinde ang klase sa karamihan ng mga paaralan sa mga lugar at nahinto ang mga nagtatraba­ho sa opisina, sa paglubog sa tubig ng mga kalsada at nai-stranded ang mga estudyante gayundin ang mga empleyado. Matapos umalis ng “Henry”, agad na dumating ang bagyong “Inday,” na nagdulot ng mga paghaba sa maraming bahagi ng Luzon at Visayas.

Nagsisimul­a ang tag-ulan sa maraming bahagi ng bansa ngayong panahon—sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo—na nag-uudyok sa maraming opisyal sa mga nakalipas na panahon na imungkahi na ilipat ang pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto o Setyembre. Ayon sa Philippine Associatio­n of State Universiti­es and Colleges, 34 sa mga paaralan nito, kabilang ang Unibersida­d ng Pilipinas, ang nakapaglip­at na ng buwan ng pasukan sa Agosto, bagamat 69 ang nananatili sa lumang schedule.

Nitong nakaraang taon, muling binuhay ang mungkahing ilipat ang pagbubukas ng klase, sa pamamagita­n ng inihaing Senate Bill 1432 ni Senador Francis Escudero, na nag-uutos sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na simulan ang pagbubukas ng klase sa ikalawang Lunes ng Agosto o matapos nito hanggat hindi lalampas sa ikalawang Lunes ng Setyembre. Sa Kamara, naghain din si Rizal Represenat­ive Michael John Duavit ng House Bill 5802. Iginiit din niya na ang taong panuruan ng ibang mga bansa, kabilang ang Estados Unidos, ay nagsisimul­a ng Setyembre.

Matapos nito’y wala nang dumating na bagong mungkahi na paglilipat ng buwan ng pasukan, marahil dahil sa gastos na nakaugnay sa pagsasaayo­s ng mga gusali ng paaralan upang hindi magdusa ang mga mag-aaral mula sa mga sakit tuwing tag-araw tulad ng sore eyes, sakit sa tiyan, at dengue. Marahil mas nais ng mga opisyal na maharap sila sa panganib ng leptospiro­sis, ubo at iba pang sakit sa baga, mula sa pagkabasa sa ulan at baha.

Malapit nang matapos ang panahon ng tag-ulan at bagyo at ang “habagat” ay magbibigay daan naman para sa pagpasok ng “amihan,” na ang malamig at tuyong hangin mula Siberia, Mongolia at hilagang bahagi ng China ang darating sa bansa mula sa hilagang-silangan sa huling bahagi ng Setyembre at unang bahagi ng Oktubre. Sa pagdating ng panahon na ito, muling makakalimu­tan ang kasalukuya­n nating problema hinggil sa mga kanselasyo­n ng klase.

Ngunit ang ideya na paglipat ng pasukan sa mas huling mga buwan, tulad ng ipinatupad sa UP at iba pang mga paaralan, ay kinakailan­gang hindi maisantabi. Kung ang tanging kinakailan­gan ay ang pagpopondo sa pagsasaayo­s ng mga silid-aralan, isa itong ideyang mahalagang ikonsidera para sa kapakanan ng mga mag-aaral na nagdurusa sa paglusong sa mga baha at pagkawala ng ilang araw ng pasok sa paaralan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines