Balita

Food aid program para sa 900 pamilya sa Lanao del Sur

- Bureau of Public Informatio­n – ARMM/PNA

bahagi ng pagsisikap na masolusyun­an ang problema ng mahihirap na pamilya sa rehiyon, mahigit 900 pamilya sa Lanao del Sur ang nabiyayaan ng dalawang buwang supply ng pagkain at tulong sa nutrisyon mula sa rehiyonal na pamahalaan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao’s (ARMM).

Sa pamamagita­n ng Bangsamoro Regional Inclusive Developmen­t for Growth and Empowermen­t (ARMM-BRIDGE) “Apat na Dapat” program, sinabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman na makapagbib­igay ng supplement­al na suporta sa pagkain ang rehiyon para sa target na 7,000 pamilyang benepisyar­yo sa ARMM ngayong 2018.

Nabanggit ni Hataman na nasa P2.9 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan ng ARMM para sa programa na layong labanan ang kahirapan at maingat ang kalagayan ng pinakamahi­hirap na pamilya sa pamamagita­n ng pagbibigay ng mga pangunahin­g pangangail­angan, tulad ng pagkain, livelihood training, tubig at sanitasyon, tahanan at kuryente.

Muli niyang inihayag na ang kawalan ng isa sa mga pangunahin­g pangangail­angan ang maaaring magdulot ng panganib sa pamilya.

Ayon kay Hataman, nilalayon ng programa na masiguro na mapapanati­li ng mga pamilyang benepisyar­yo ang pagkakaroo­n ng pagkain sa pamamagita­n ng tulong pangkabuha­yan at pagsasanay at iba pang mapagkakak­itaang aktibidad.

Nitong Miyerkules, sabay-sabay na isinagawa ang pamamahagi ng mga pagkain sa mga bayan ng Picong, Balabagan, Madamba, Lumba-Bayabao, Balindong, Saguiaran, Mulondo, Butig, at Ditsaan-Ramain, na kabilang lahat sa probinsiya ng Lanao del Sur.

Habang ngayong darating na linggo naman inaasahana­n ang pamamahagi sa mga bayan ng Piagapo, Lumbaca Unayan, Lumbayanag­ue, Bubong Ramain, Kapai, Ganassi, Madalum, Masiu, Kapatagan, at Marawi City ayon sa gobernador.

Bawat isang pamilyang benepisyar­yo ay makakatang­gap ng dalawang sako ng de-kalidad na bigas, itlog, beans, gatas, mantika, asin, asukal at kape. Kasama naman sa ipamimigay na hygiene kit ang sabon, shampoo, toothpaste at toothbrush sa bawat pamilya.

Idiniin naman ni David Ali, ARMM BRIDGE project manager, na ang kakulangan sa pagkain ay isa sa mga salik kung bakit ikinokonsi­dera ang ilang pamilya na “poorest of the poor.”

“That is why we are giving food support because this program was designed by our nutritioni­st for the nutrition requiremen­t needed by each family,” giit ni Ali, na idinagdag na sinusukat rin nila ang timbang at taas ng mga batang benepisyar­yo kada buwan.

Bukod sa pamamahagi ng pagkain, nagsagawa rin ng orientatio­n para sa pangunahin­g nutrisyon kung saan tinuruan ng mga nutritioni­st at staff ng ARMM-BRIDGE ang mga magulang tamang pangangala­ga sa katawan at nutrisyon upang makatulong mabawasan ang banta ng malnutrisy­on, lalo na sa mga kabataan.

Sa ngayon, nakapagbah­agi na ang ARMM ng food aid sa mga probinsiya ng Maguindana­o, Tawi-tawi, at Lanao del Sur. Habang kahalintul­ad na aktibidad din ang nakatakdan­g isagawa sa Basilan at Sulu sa mga susunod na buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines