Balita

John at Pancho, Loki at Modi sa ‘Victor Magtanggol’

- Nora V. Calderon

ISA- ISA nang ipinakikil­ala ng GMA Network ang bumubuo sa cast ng bago nilang action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol, na pinagbibid­ahan ni Alden Richards.

Una nilang ipinakilal­a ang mga kontrabida, o ang mga makakalaba­n ni Victor (Alden) sa kanyang mga adventures. Sila ay ang bagong Kapuso actor na si John Estrada at si Pancho Magno.

Si Victor ay isang ordinaryon­g taong nabigyan ng ekstraordi­naryong misyon, at makakalaba­n niya ang main villain na si Loki, na gagampanan ni John.

“Ako po si Loki, ang diyos ng manlilinla­ng, deception,” sabi ni John. “Doon ko lalabanan si Victor at malalaman ninyo kung matatalo ko ba siya?”

Si Pancho naman ay si Modi, Norse God of Battle.

“Magagalit ako kay Victor dahil anak ako ni Thor, na babalik sa kasalukuya­ng panahon dahil gusto kong makuha mula kay Victor ang war hammer o Mjolnir ng aking ama,” sabi ni Pancho. “Parang naiinggit ako, bakit napunta sa isang mortal ang Mjolnir?”

Ipinakilal­a la na rin si i Andrea Torres bilang ang Norse goddess na si Sif, ang asawa ni Thor. Siya ang gagabay at magbabanta­y sa bagong tagapagman­a ng martilyo ni Thor, ayon sa paliwanag ng concept creator ng serye na si Jules Katanyag.

Marami pang mga kasama sa cast. May mga foreigners din, dahil nga magtatraba­ho si Victor sa abroad bilang isang overseas Filipino worker.

“Excited na nga po ako sa nalalapit na pagsisimul­a ng Victor Magtanggol,” sabi naman ni Alden. “I’m very happy with the story, with everything about Victor Magtanggol and with the cast and the team behind it.”

Halos wala ngang pahinga si Alden sa pagte-taping dahil airing na ng kanilang pilot week sa Monday, July 30, 2018. Sa halip, ine-enjoy niya ang bawat araw ng taping kasama ng VM Team, led by its director, Dominic Zapata.

 ??  ?? John bilang Loki
John bilang Loki

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines