Balita

HIRIT NG ACES!

Do-or-die, asam ng dabarkads ni Compton

- Ni MARIVIC AWITAN

MAISAGAD sa Game 5 ang serye ang tatangkain ng Alaska habang pipilitin na itong tapusin ng San Miguel Beer sa muli nilang pagtutuos ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Ganap na 6:30 ng gabi ang nakatakdan­g Game 4 ng best-offive semifinals series ng dalawang koponan para sa 2018 PBA Commission­er’s Cup.

Nagawang pigilan ng Aces ang tangkang sweep ng Beermen nang gapiin nito ang huli nitong Biyernes sa Game 3,125-104 , sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

“I thought everybody contribute­d, at a time that we’re very down. I love my guys. Were down 2-0 against the best team in the league, but ang hiningi ko sa kanila, lalaban tayo hanggang sa huli, and lumaban sila,”pahayag ni Aces coach Alex Compton.

Umaasa si Compton na mapapangat­awanan ng kanyang koponan ang pagiging palaban upang patuloy na buhayin ang tsansang umabot ng finals.

Ngunit, nangako ang Beermen na gagawin ang lahat upang di na sumagad sa Game 5 ang series.

Kinakailan­gan lamang ng Beermen, ayon na rink ay Arwind Santos na mag focus na ma-execute ang kanilang gameplan.

“Nagmamadal­i kasi lahat na manalo, nakalimuta­n tuloy yung gameplan kaya nagkaganun,” ani Santos sa kanilang naging kabiguan, ang kanilang pinakamala­king talo mula noong matalo sila sa Game 5 ng 2016 PBA

Governors Cup finals kontra Barangay Ginebra San Miguel, 117-92.

“Kailangan namin silang paghandaan.Hindi na kami papayag na mag tie pa yung series,” dagdag pa ni Santos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines