Balita

11.1-M pamilya, aminadong mahirap

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Dumami ang pamilyang Pilipino na aminadong naghihirap sila at umabot na tinatayang 1.3 milyong kabahayan, batay sa resulta ng isinagawan­g pag-aaral sa ikalawang bahagi ng 2018 ng Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang survey mula Hunyo 27-30 sa 1,200 respondent­s, at lumabas na 48 porsiyento o nasa 11.1 milyong pamilya ang ikinokonsi­dera ang sarili na mahirap.

Anim na puntos itong mas mataas mula sa 41% o nasa 9.8 milyong pamilya noong Marso 2018, at pinakamata­as simula nang makapagtal­a ng 50% noong Marso 2017.

Ipinapalag­ay ng SWS na mula ang anim na puntos sa mabilis na pagtaas ng bilang sa Mindanao, na may 18 puntos na pag-angat, at kapwa 18% sa Metro Manila at Visayas sa 13, habang bahagyang bumaba ng 5% ang bilang ng ‘selfrated poverty’ sa natitirang bahagi ng Luzon.

Dagdag pa dito, lumalabas din sa resulta na sa 48% ng mahihirap na pamilya, 36% ang hindi pa nakararana­s na maging ‘non-poor’ (“usually poor”). At ang 12% na mahirap ay binubuo ng 6% na hindi dati naghihirap sa loob ng nakalipas na limang taon (“usually poor”),, habang ang natirang 6% ay hindi dati mahirap isa hanggang apat na taong nakararaan (“newly poor”).

Sa 52% kabilang sa mga hindi mahirap na pamilya, 26% dito ang hindi pa nararanasa­ng maging mahirap (always non-poor).

Sa kaparehong panahon ng isagawa ang survey, natuklasan rin ng SWS na 34% o nasa 7.8 milyong pamilya na nagsabing ‘food-poor.’

Limang porsiyento itong mas mataas sa 29% o tinatayang 6.7 milyong pamilya noong Marso 2018, at pinakamata­as simula noong 34% noong Disyembre 2016.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines