Balita

Mariel, bet pang magkababy

- Ni ADOR V. SALUTA

SA Tonight with Boy Abunda, inamin ng It’s Showtime host na si Mariel Rodriguez na ayaw na ng asawa niyang si Robin Padilla na masundan pa ang anak nilang si Isabella.

“Kasi it was really difficult for me to maintain my pregnancy. Nakita niya yung hirap, so parang he doesn’t want me to go through that again. Pero ako gusto ko pa,” natatawang kuwento ni Mrs. Padilla kay Boy Abunda.

Nang tanungin kung sino ang masusunod sa kanila ni Robin, sagot ni Mariel: “Malalaman natin, Tito Boy, kung sino ang masusunod. Not anytime soon, siguro when Isabella’s mga three (years old), ganyan. Pero hindi pa alam ng asawa ko. I’m still working on it.”

Inamin din ni Mariel na minsan ay nagseselos pa rin siya kay Robin.

“Wala namang ginagawa si Robin, ang sama ko naman kung magselos pa ako. Pero merong time na parang, ‘Ay naglalandi­an ba ‘tong mga ‘to?’”

May hint din si Mariel kung sino ang babaeng pinagselos­an niya, pero malinaw na hindi ito si Jodi Sta. Maria, dahil may-asawa na raw ang babae. Magkasama sina Robin at Jodi sa seryeng

aired before It’s

“Nakakahiya naman sabihin, kasi married ‘yung girl. Saka nasa morning show siya.”

Dahil daw sa nasabing babae kaya sinabihan niya si Robin.

“Kanina mo pa nilalandi si ano ha’, sabi niya, ‘ hindi ko nilalandi ‘ yun no’, tapos parang walang nangyari, nanood kami ulit,” ani Mariel.

Nilinaw naman ni Mariel na walang basehan ang pagseselos niya.

“Siguro wala lang, not even worth talking about.” Pero kailangan din daw niyang sabihin kay Robin, “para alam niya na may limitation na tayo. I’m cool but not that cool.”

May pinagsesel­osan din basi Robin sa kanya?

“I’m so careful because ayaw ko talaga ng gulo, at babae ako, Tito Boy, hind maganda,” pagtatapos ni Mariel.

 ??  ??
 ??  ?? Isabella, Mariel at Robin
Isabella, Mariel at Robin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines