Balita

R27.7- M marijuana, winasak sa Kalinga

- Rizaldy Comanda

LA TRINIDAD, Benguet - Sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Kalinga-Drug Enforcemen­t personnel, Provincial and Regional Maneuver Force Battalion at Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA)Cordillera ang dalawang barangay na umano’y taniman ng marijuana sa Kalinga, kamakailan.

Sa dalawang araw na operasyon, nadiskubre ng awtoridad ang aabot sa P27, 779,000 halaga ng tanim na marijuana, sa 17 plantasyon sa Barangay Butbut Proper at Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakil­anlan ng may-ari ng plantasyon upang mapanagot sa batas.

Kaugnay nito, inihayag naman ni Police Regional Office-Cordillera director, Chief Supt. Rolando Nana ang pagkakadak­ip sa apat na drug pushers sa magkakasun­od na buybust operations sa rehiyon.

Kinilala ang mga ito na sina Marica Day Rizal Santos, 28, alyas Maricar, ng Scout Barrio, Baguio City, na nadakip sa Centerpoin­t Plaza, Bakakeng Central, Marcos Highway, Baguio City nang maaktuhang nagbabenta ng P3,500 halaga ng umano’y shabu.

Nasakote rin si Catherine Perez Hieras, 48, chef, ng Pines Park, La Trinidad, Benguet sa Upper Session Road, Baguio City.

Habang sina Davis Polinec Edwas, 39, laborer, ng Upper Rock Quarry, Baguio City; at Marlon Andaway Mahoy, 40, driver, ng Dagupan Centro, Tabuk City ay nadakip sa Slide, Tuding, Itogon, Benguet at sa Mapaway, Ipil, Tabuk City, Kalinga, ayon sa pagkakasun­od.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines