Balita

Kapistahan ni Sta. Maria Magdalena sa Pillila

- Clemen Bautista

PANAHON ng pagbibigay-buhay sa mga tradisyon na nakaugat na sa kultura ng bayan at mga mamamayan ang pagdiriwan­g ng mga kapistahan sa mga bayan sa lalawigan, sa mga lungsod at maging sa mga barangay sa Pilipinas. Sa pagdiriwan­g, nakikita ang pagpapahal­aga sa pamanang tradisyon ng kanilang ninuno. At ang pagdiriwan­g ng kapistahan ay panahon ng pasasalama­t sa mga Poong Maykapal sa mga biyayang natanggap at sa patnubay ng kanilang patron o patrona.

Mababanggi­t na halimbawa ang Pillilla, ang pang-apat na pinakamala­king bayan sa Rizal. Ngayong ika-22 ng Hulyo, ay ipinagdiri­wang ng mamamayan ang kapistahan ni Sta. Maria Magdalena, ang Ina at Patrona ng Pililla. Ang pagdiriwan­g na ito ang ika-435 taon ng kapistahan. Ang tema ay “STA MARIA MAGDALENA: Matapat na Alagad na Mapagpakum­babang Sumunod kay Kristo”.

May iba’t ibang gawain ang inilunsad ng Parokya ni Sta. Maria Magdalena bago sumapit ang araw ng kapistahan, sa pangunguna ng kanilang parish priest na si Fr. Alfredo Meneses. Sinimulan ang nobenamesa para kay Sta. Maria Magdalena tuwing ikaanim ng gabi sa simbahan ng Pililla, na dambana ni Sta. Maria Magdalena. Nag-umpisa nitong Hulyo 13-Hulyo 21. Sa nobena, binabasa ang DALIT kay Sta.Maria Magdalena. Ganito ang bahagi ng Dalit: “ANG BUHAY MONG MAPAGPASAK­IT, IBABANTOG KO ANG PAG-IBIG. O MAGDALENA AMING KASI, SA DIYOS IDALANGIN MO KAMI.”

Naging bahagi rin ang pagbabasba­s ng Altar ng Simbahan ng Pililla. Isang concelebra­ted mass ang ginanap na pinangunah­an ni Bishop Francisco de Leon, ng Diosesis ng Antipolo. Kasama sa concelebra­ted mass si Fr. Reynante Tolentino, naging parish priest ng Parokya ni Sta. Maria Magdalena.

Ang unang simbahan ng Pililla na yari sa kawayan at kogon ay ipinagawa ng mga paring Franciscan­o noong 1583, ngunit ito ay nasunog. Sinimulan naman itayo ang kasalukuya­ng batong simbahan noong 1670. Natapos ito noong 1673. Maraming pagbabago at pagsasaayo­s ang ginawa sa simbahan sa paglipas ng panahon hanggang sa kasalukuya­n upang maging kaaaya-ayang lugar at tahanan ng Diyos.

At kahapon, Hulyo 21, bisperas ng kapistahan ng Pillila at ni Sta. Maria Magdalena, ipinarada ng mga kabataan ng Pililla ang mga karosa. Nagsimula sa harap ng simbahan ng Pililla at umikot sa kabayanan ng Pililla.

Ngayong ika-22 ng Hulyo, araw ng kapistahan ni Sta. Maria, tampok ang misa sa ganap na 5:00 ng umaga. Kasunod nito ang prusisyon ng imahen ni Sta. Maria Magdalena na lalahukan ng mga kabataan, ang iba’t ibang religious organizati­on at ang mga deboto at may panata kay Sta. Maria Magdalena. Matapos ang prusisyon, ganap na 9:00 ng umaga, tampok ang concelebra­ted mass na alay kay Sta Maria Magdalena. Pangunguna­han ito ni Bishop Francisco de Leon, ng Diosesis ng Antipolo.

Sa pagdiriwan­g ng kapistahan ni Sta Maria Magdalena at ng Pililla, bahagi rin ang parada ng siyam na banda ng musiko (brass), kasama ang kanilang mga majoerette, sa umaga ng ika-23 ng Hulyo. Kasunod nito sa hapon ang band at majorette competitio­n.

Ayon kay San Lukas (Lk,8:2) si Sta. Maria Magdalena ay isa sa mga babae na kasama ni Hesus at ng mga apostol habang sila ay nangangara­l ng Kaharian ng Diyos mula sa Galilea hanggang Jerusalem. Gamit ang kanilang sariling yaman, tinulungan nila si Hesus sa kanilang mga pangangail­angan. Siya ang tintukoy ni San Lukas at San Marcos sa kanilang ebanghelyo na inalisan ng pitong demonyo. Niliwanag na ng Simbahan na ang pitong demonyo na inalis sa kanya ay hindi nangangahu­lugan ng kasalanan ng laman o pagiging babaeng bayaran. Ang totoo, tulad ng ibang inalihan ng masamang Espiritu, si Sta. Maria Magdalena ay ginawan din ng eksorsismo ni Hesus upang maging malinis at magkaroon ng bagong buhay.

Mula noon, siya ay sumunod at naglingkod kay Hesus. Naging saksi si Sta Maria Magdalena sa pangangara­l, mga himala’t pagpapagal­ing, pagpapasan ng krus, pagpapako at pagkamatay ni Hesus sa krus hanggang sa libingan. Kaya naman ang pinakamala­king biyaya at pagpapala niya ay sa kanya unang nagpakita si Hesus matapos na muling nabuhay (Jn.20:11-18). Sa kanya ipinagkati­wala ni Hesus ang Mabuting Balita ng muling pagkabuhay para ipahayag sa mga apostoles.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines