Balita

‘Star Trek’ may bagong 4-part series short episodes

-

LOS ANGELES (Reuters) – Inihayag ng CBS ang pagbabalik ng Star Trek sa pamamagita­n ng four-part series na may 10-to-15-minute episodes na ipalalabas simula sa taglagas sa CBS All Access streaming service.

Ang Star Trek: Short Treks ay ilalabas kada buwan at bawat isang episode ay magkakaroo­n ng hiwa- hiwalay na closed- ended story, pahayag ng CBS. Inihayag ng network ang serye sa San Diego Comic-Con, a convention para sa mga fans ng science fiction at pop culture. Ayon saCBS, ang The Office actor na si

Rainn Wilson ang gaganap na con artist na si Harry Mudd sa isa sa mga episode. Habang nakatuon naman ang ibang episode sa isang lalaki na natagpuan ang kanyang sarili sa nag--

iisa sa isang deserted ship.

Bawat episode ng Short Treks ay malalabas ng mga clue tungkol sa istorya ng Star

Trek: Discovery, isang serye na malapit nang magkaroon ng second season, ayon sa cocreator at executive producer na si Alex Kurtzman.

Ang orihinal na Star Trek ay nagdebut noong 1966 sa isang U. S. television series na nagpapakit­a ng paglalakba­y ng Starship Enterprise. Nilikha ito nang ni

Gene Roddenberr­y, kung saan nakilala ang mga karakter nina Captain James T. Kirk, na ginampanan ni William Shatner, at si Vulcan officer Mr. Spock, ni Leonard Nimoy. Nagkaroon din ng ilang pelikula at serye ang Star Trek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines