Balita

Torres-Sunang, kumpiyansa sa Asiad

- Marivic Awitan

PINANATILI ni long jump queen Marestella Torres-Sunang ang kanyang "dominant form" para sa kanyang panatang patuloy na lumaban para sa bansa sa mga internatio­nal events, kabilang ang darating na Asian Games sa Indonesia.

Sa edad na 37, ang 3-time Olympian ay nagtatagla­y pa rin ng mga katangiang maari pang makipagsab­ayan sa mga pinakamaga­galing sa kanyang field para makapagbig­ay karangalan sa bansa na siya ring dahilan para patuloy siyang pagkatiwal­aan ng track and field team chief supporters.

“There are still those who continue supporting not just me but the whole national track and field team,” ayon kay Sunang, tinutukoy ang Ayala Corp.,na nagbigay ng elite track and field athletes home at state-of-the-art training center sa Vermosa Sports Hub sa Cavite.

“Besides, I still love to compete,” ayon pa kay Sunang, isa sa mga inaasahang makapagbig­ay ng medalya sa Asian Games sa Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta at Palembang, Indonesia.

Ang national record ni Sunang ay 6.72 meters na itinala niya sa Kazakhstan Open noong 2016 mas malayo sa talon ni Maria Natalia Londa na 6.55 meters na nagwagi ng gold medal sa 2014 Asiad sa South Korea.

Malapit din kay Sunang ang Vermosa Sports Hub sa kanilang bahay sa Bacoor kumpara sa dati nilang training venue sa Philsports Arena sa Pasig.

At dahil ang Vermosa oval ay IAAF-certified track, nagagawa nilang mamonitor ang kanilang performanc­e base sa internatio­nal standards.

Maliban sa world-class track oval, binigyan din ng Ayala ang PATAFA athletes ng hydration program mula sa Manila Water Company na Healthy Family Purified Water at gayundin ng financial support.

Dahil sa all-out support ng Ayala sa PATAFA training and sports developmen­t program, inaasahang nasa best form ang national team sa pagsabak nila sa quadrennia­l meet.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines