Balita

Cambage, umukit ng marka sa WNBA

-

ARLINGTON, Texas (AP) — Naitala ni Elizabeth Cambage ang bagong WNMBA scoring record na 88 puntos sa magkasunod na laro.

Kumubra si Cambage ng 35 puntos at 17 rebounds sa panalo ng Dallas Wings kontra Washington Mystics, 90- 81, Huwebes ng gabi.

Matapos umiskor ng 53 puntos nitong Martes, nalagpasan ni Cambage ang record ni Minnesota star Maya Moore na mya pinagsaman­g two- game total na 80 puntos noong 2014. Si Cambage ang unang player sa liga na umiskor ng 30- point, at 10- rebound sa magkasunod na laro para higitan ang record ni Moore noong 2014.

Samantala, nabahiran ng kalungkuta­n ang liga sa pagpanaw ni Anne Donovan, ang Basketball Hall of Famer na nagwagi ng national championsh­ip sa Old Dominion, dalawang Olympic gold medals bilang player at coach, nitong Miyerkules sa edad na 56.

Kinumpirma­n ng kanyang pamiloya ang pagpanaw nang isa sa itinuturin­g na haligi ng WNBA.

"While it is extremely difficult to express how devastatin­g it is to lose Anne, our family remains so very grateful to have been blessed with such a wonderful human being," pahayag ng pamilya sa media statement.

"Anne touched many lives as a daughter, sister, aunt, friend and coach. Anne was a person with strong faith, courageous spirit, a giving heart and love for everyone," anila. "We are so proud of her accomplish­ments as a women's' basketball player and coach, but even more proud of her character, integrity, humility and kindness."

Nailuklok si Donovan sa Women's Basketball Hall of Fame sa Knoxville, Tennessee.

Naisama siya sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame noong 1995, at bahagi ng inaugural class ng Women's Basketball Hall of Fame noong 1999 at nailuklok sa FIBA Hall of Fame noong 2015.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines