Balita

BULACAN, BALISA SA MALAKING BAHA

- NASA STATE OF CALAMITY NA JOJO RIÑOZA

Napilitang lumusong sa baha ang mga motoristan­g dumaraan sa pangunahin­g kalsada sa Dagupan City. Umapaw ang tubig sa dike sa Alibago, Santa Barbara at Sinucalan River sanhi ng tuluy-tuloy na pag-ulan, kaya binaha ang Calasiao at Dagupan.

Nangangamb­a ang mga residente ng Calumpit at Hagonoy, sa Bulacan sa matinding pagbaha kung hindi titigil ang pag-ulan na dulot ng bagyong “Josie”.

Sa naturang bayan kasi naiipon ang tubig-baha na dumadaloy mula sa Nueva Ecija at Pampanga.

Huling lumubog sa baha ang Calumpit, Hagonoy at mga karatig bayan ng Paombong at Pulilan noong 2015, matapos abutin ng baha mula sa Nueva Ecija at Candaba swamp sa Pampanga.

Ang pangamba ng mga taga-Bulacan ay umabot kay Bulacan Representa­tive Jose Antonio R. Sy-Alvarado, na nagsabing inaantabay­anan ng awtoridad ang pagtaas ng tubig sa Pampanga river basin.

“Some villages in our coastal areas is virtually sinking due to high tides and for being the catchbasin of back floods during stormy weather. This is the effects of global warming and climate change that we should face and address,” ani Sy-Alvarado.

Ayon kay Liz Mungcal ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, anim na barangay sa Meycauayan City; 15 sa Calumpit; anim sa Marilao at walo sa Pulilan ang binaha, noong Sabado ng gabi.

Todo-bantay din sa Ipo, Bustos at Angat dam na maaaring umapaw kapag nagtuluy-tuloy ang ulan.

Sa forecast ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA), apektado pa rin ng bagyo ang Metro Manila, Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera Administra­tive Region (CAR), Cagayan Valley, Mindoro, Rizal, Cavite, at Batangas.

Dalawang katao ang iniulat na namatay dahil sa bagyo. Sila ay ang magkapatid na Rosalia Agapito, 6; at Andrew, 3, sa Barbaza, Antique.

May 158,509 na pamilya (728,003 katao) ang apektado mula sa 585 barangay sa anim na rehiyon sa Luzon at Kabisayaan ang apektadong ng ulan at baha na dulot ng Josie.

Ayon pa rin sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), 42 insidente na ang naitala kaugnay ng bagyo.

Kasama rito ang landslide, malakas na hangin, at soil at coastal erosion, iniulat ni NDRRMC spokespers­on Edgar Posadas.

Apektado ng bagyo ang Region 1, Region 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 6, at CAR.

Sa nasabing bilang ng mga pamilya, 53,798 (229,240 katao) ang binibigyan ng ayuda sa mga evacuation center.

Hanggag kahapon, wala pang naitalang casualties ang NDRRMC.

Pitong siyudad at munisipali­dad ang nagdeklara na ng state of calamity dahil sa bagyo.

Kasama na rito ng mga bayan ng Asipolo at Lagawe sa Ifugao at Dagupan City, sa Pangasinan.

Nasa 92 namang pasahero ang walang masakyan sa mga pier ng Pasacao, sa Camarines Sur at Infanta, sa Quezon.

Sa Region 1, 3, 6 at CAR ay 30 road sections at apat na tulay ang binaha.

Nasa 334 na lugar ang nakakarana­s ng pagbaha sa anim na rehiyon.

Ayon pa rin sa NDRRMC, siyam na bahay ang nagiba at 147 ang nagtamo ng pinsala sa Region 3, 6, at CAR.

Libu-libong pamilya naman ang inilikas sa Marikina City kahapon, matapos itaas sa ikalawang alarma ang alerto ng Marikina River.

Itinaas ang alerto matapos na umabot ang water level ng ilog sa 16.9 na metro.

Pinayuhan ng mga lokal na awtoridad ang mga residente na boluntaryo nang magsilikas sa mga itinalagan­g evacuation center.

Kapag umabot na sa 18.0 metro ang taas ng tubig sa ilog at naideklara ang ikatlong alarma, puwersahan nang ililikas ang mga nakatira sa mga gilid ng ilog at ang mga nasa mabababang lugar.

Inaasahan ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na dadami pa ang evacuees dahila marami ang nagsasagaw­a ng preemptive evacuation.

Pagsapit ng 12:00 ng tanghali kahapon, bumaba sa 17 metro ang taas ng tubig, ngunit nananatili pa rin ang 1,207 pamilya sa mga evacuation center.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines