Balita

Pinoy high jumper, naka-gold sa Malaysia

Pinay high jumper, sumungkit ng ginto sa ASEAN Schools Games

-

KUALA LUMPUR, Malaysia – Naibigay ni Evangelene Caminong ang unang gintong medalya sa Team Philippine­s nang pagwagihan ang girls high jump event sa 2018 ASEAN Schools Games nitong Sabado sa Mini Stadiun sa Bukit Jalil.

Naitala ng 17-anyos mula sa San Vicente, Palawan ang taas na 1.74 meters para gapiin ang mga karibal na sina Prangthip Chitkhokkr­uad ng Thailand ( 1.72m) at kasanggang si Alexie Mae Caimoso (1.69m).

Nalagpasan din ni Caminong ang personal best na 1.71 meters.

“Hindi po ako makapaniwa­la. Sobrang saya ko po ( I’m still in awe. I’m really happy),” pahayag ni Caminong.

Impresibo ang pagtaas ng performanc­e ni Caminong na natalo ni Caimoso sa secondary event sa 2018 Palarong Pambansa nitong Abril sa Vigan City, Ilocos Sur.

Bilang debutante sa internatio­nal competitio­n, iginiit ni Caminong na sapat na sa kanya ang mapabilang sa Philippine delegation at ang pagwawagi ay maituturin­g bonus para sa mga taong nagtititiw­ala sa kanyang kakayahan.

“At first, I wasn’t pressured to win. But I don’t know as the competitio­n came I felt it was my obligation to do my best,” aniya.

Ayon sa Grade 12 student ng Nazareth School of National University, sumailalim siya sa matinding pagsasanay matapos ang Palaro, sa pangangasi­wa ni coach Fernando Dagasdas sa PhilSports sa Pasig City.

“I hope this win serves an inspiratio­n to my fellow Pinoy athletes to strive their best in their games,” sambit ni Caminong.

Ipinahatid din niya ang pasasalama­t sa suportang ibinigay nina Cong. Jenny Barzaga at Dasmarinas City Mayor Elpidio Barzaga.

Target niyang madugtunga­n ang kasiyahan ng delegasyon sa kanyang pagsabak sa 100m hurdles sa Martes.

Kabilang sa mga opisyal na nag-cheer sa delegasyon sina Education Undersecre­tary Tonisito Umali at Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Charles Raymond Maxey.

Nakopo naman ni Riza Mae Valiente ang silver medal sa 400m girls event sa tyempong 61.51 segund, sa likod ni gold medalist Bui Thi Trang ng Vietnam. Pangatlo si Arisa Weruwanara­k ng Thailand (63.13).

Nakasungki­t naman ng podium finish si Mindanaoan runner Camila Tubiano matapos pumangatlo sa 3,000-meter run sa tyempong 10 minuto at 49.30 segundo. Nagwagi si Luu Thi Thu ng Vietnam (10:18.09) kasunod si Lwee Zar ng Myanmar (10:47.25).

 ?? PSC PHOTO ?? FIRST GOLD! Ibinida ng Pinay high jumper na si Evangelene Caminong ng San Vicente, Palawan ang naitalang personal record na nakarehist­ro sa LED scoring board matapos pagwagihan ang girls high jump event ng 2018 ASEAN Schools Games sa Kuala Lumpur,...
PSC PHOTO FIRST GOLD! Ibinida ng Pinay high jumper na si Evangelene Caminong ng San Vicente, Palawan ang naitalang personal record na nakarehist­ro sa LED scoring board matapos pagwagihan ang girls high jump event ng 2018 ASEAN Schools Games sa Kuala Lumpur,...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines