Balita

SONA dapat makatotoha­nan

- Leslie Ann G. Aquino, Hannah L. Torregoza, at Bert de Guzman

Naniniwala ang mga pinuno ng simbahan na dapat ipakita ni Pangulong Duterte ang tunay na sitwasyon ng bansa sa pagpapahay­ag niya ng kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.

Sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, na dapat ito ay pag-uulat sa mga tao at hindi lamang para sa mga nakamit ng kanyang administra­syon.

“I want to hear Duterte’s SONA because as of my own assessment he didnt achieve anything positive for the country because what we have are high inflation, high prices, more killings, loss of sovereignt­y to China, more fear and human rights violations,” ani Pabillo.

Inihayag naman ng United Church of Christ in the Philippine­s Council of Bishops ang mga bigong pangako ng Pangulo hinggil sa paglutas ng kahirapan, kontraktuw­alisasyon, pakikipag-ayos samga komunistan­g grupo at ang anim na buwang pangakong paglutas sa ilegal na droga sa bansa.

Samantala, nagbigay din ng kanyakanya­ng opinyon ang mga senador sa inaasahan nilang tatalakayi­n ng Pangulo.

Hinikayat ng mga senador si Pangulong Duterte na pagtuunan ng pansin ang isyu kinakahara­p ng bansa sa ekonomiya, hinggil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Umaasa si Senate Minority leader Franklin Drilopn ng panawagan sa Pangulo para sa muling pagbasa ng mga probisyon sa ilalim ng TRAIN law.

Iginiit naman ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate committee on economic affairs, ang paglalatag ng counter-inflation measures para sa mahihirap na apektado ng bagong bataw sa buwis.

Sang-ayon naman dito si Senador Nancy Binay, na sinabing “gut issues” ang dapat na tuon ng SONA at kailangan itong gamitin ng Pangulo upang makapagbig­ay ng solusyon sa mga isyung kinakahara­p ng mga ordinaryon­g Pilipino.

Kapwa umaasa naman sina Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara at Joseph Victor “JV” Ejercito na isusulong ng Pangulo ang pagpasa ng Universal Healthcare bill.

Samantala, kinumpirma naman ni Acting Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio ang kanyang pagdalo SONA ng Pangulo.

Bukod kay Carpio, kumpirmado rin dadalo sa SONA si Vice President Leni Robredo at dating mga pangulo ng bansa, kabilang sina ex-President Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines