Balita

Mr. Universe Tourism, umaming may anak

- Ni ROBERT REQUINTINA

SAunang pagkakatao­n ay ibinunyag ni reigning Mister Universe Tourism Ion Perez, sa isang ekslusibon­g panayam, na mayroon siyang anak.

“Mayroong 3-year-old na anak po akong lalaki,” isiniwalat ni Perez upang kumpirmahi­n ang mga usap- usapan na mayroon nga siyang anak, nang makapanaya­m sa paglulunsa­d ng Bayongciag­a products sa Studio A sa Quezon City, nitong Sabado.

Ang Bayongciag­a ang unang endorsemen­t ni Perez mula nang magwagi siya sa internatio­nal male pageant, dalawang buwan na ang nakalipas. Kasama ni Perez sa endorsemen­t ang reigning Miss Philippine­s Youth na si Nadine Bornilla. Ang bag company ay pagmamay-ari ni

Javier Villarfuel at Jov Ravago. Sinabi rin ni Perez, 27, na namamalagi ang kanyang anak kasama ng ina nito.

“Nakikita ko lamang ang anak ko kapag hinihiram ko siya sa mama niya. Nangyari po ‘yun dala na rin ng pagiging mapusok ko noon,” lahad ng male model.

Ngunit binanggit din niyang isa siyang responsabl­eng ama. “Hindi man kami nagkikita madalas pero hindi ko talaga pinapabaya­an ang anak ko”.

Nang tanungin kung nais niyang sumali rin ang anak sa mga male pageant sa hinaharap, sabi ni Perez: “Nasa sa kanya po iyon. Sana maging proud siya sa mga achievemen­ts ko sa pageant. Makikita naman niya ang pinag-mulan ko pag nagka- isip na siya”. Inihayag ni Dr. Jumel

Bornilla, Presidente ng Mister Universe Tourism pageant, na nalaman na lamang ng organisasy­on ang tungkol sa pagkakaroo­n ng anak ni Ion pagkatapos ng timpalak.

“We’ve discussed it. But who are we to judge?” ani Bornilla.

Aniya pa, hindi umano nila tatanggali­n kay Bornilla ang karangalan dahil ginagawa naman niya ang kanyang mga tungkulin sa Mister Universe Tourism.

Unang nakilala si Perez nang magwagi ito sa Misters of Filipinas 2017, na siyang naging daan para makasali siya sa Mister Universe Tourism 2018. Ang parehas na pageant ay para lamang sa mga single na lalaki.

Inilahad din ni Perez na maayos ang samahan niya at ng Prime Events Production­s Philippine­s Foundation, Inc. (PEPPS), ang organizer ng Misters of Filipinas contest.

“Dapat pupunta po ako sa Man of the World contest noon kaso nag-conflict po talaga ang schedule ko. Nag -sorry naman po ako sa kanila,” sabi ni Perez.

Nangako naman si Perez na magtatapos sa pag-aaral pagkatapos ng kanyang reign bilang Mister Universe Tourism. “Gusto ko po talagang makatapos ng pag-aaral. Hindi ko pa alam kung sa Maynila o babalik uli ako sa Tarlac para sa aking pag-aaral”.

 ??  ??
 ?? Ion ??
Ion

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines