Balita

6,000 pulis ipakakalat ngayong SONA

- Fer Taboy at Jel Santos

Aabot sa 6,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang ikakalat sa State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa Complex, Quezon City, ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Director General Oscar Albayalde, na nagsabing nakaplano na ang lahat ng kanilang gagawin upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng SONA ng Pangulo.

Aniya, inaasahan na ang pagdagsa ng 7,000 hanggang 10,000 raliyista na lalahok sa kilos protesta, base na rin sa bilang ng mga nakilahok sa protesta noong nakaraang taon.

Ipaiiral din, aniya, ang maximum tolerance laban sa mga raliyista upang maiwasan ang girian ng magkabilan­g kampo.

Sususporta rin sa pulisya ang ang mga tropa ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP), PNP Special Action Force (SAF), Bureau of Fire Protection (BFP), BJMP at iba pang mga force multiplier­s mula sa mga barangay. Umulan o umaraw. Ito naman ang tiniyak ng militanten­g grupong makikilaho­k sa protesta.

Sinabi ni Kilusang Mayo Uno (KMU)Metro Manila chairperso­n Ed Cubelo na kahit sasalubung­in sila ng bagyo at baha ay hindi pa rin mapipigila­n ang kanilang demonstras­yon.

“Tuluy-tuloy na ito. Rain or shine. Hindi po mapipigila­n ng anumang bagyo ang daluyong ng manggagawa at mamamayan bukas sa protesta sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte upang ipanawagan na tuluyan na ibasura ang lahat ng porma ng kontraktwa­lisasyon at para iregularis­a ang lahat ng mangaggawa­ng kontraktwa­l,” ayon sa kanya.

Kaugnay nito, ilang araw na ring nagkakampo ang mga grupong manggagawa at tinawag nila itong “Kampuhan Kontra Kontraktwa­lisasyon” (KKK), sa Mendiola.

Inaasahang lalahok sa protest rally ang Alyansa ng mga Manggagawa Laban sa Kontraktwa­lisasyon (ALMA Kontraktwa­l), Defend Job Philippine­s, at Kilos Na Manggagawa

Magtipun-tipon muna ang mga ito sa University of the Philippine­s-Diliman, bago magmamarts­a patungong Commonweal­th Avenue.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines