Balita

Solusyon vs inflation, ikinakasa

- Beth Camia

Determinad­o ang Malacañang na maglatag ng iba’t ibang solusyon para maresolba ang nararasang inflation sa bansa.

Kabilang sa mga hakbang na tinukoy ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque ay ang paglutas sa problema sa kahirapan, pagsusulon­g ng rice ratificati­on at pagpapatup­ad ng “Build, Build, Build” program upang mapababa na rin ang transporta­tion cost ng mga bilihin.

Inilabas ni Roque ang reaksiyon bilang tugon sa resulta ng isinagawan­g survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Hunyo 27-30, kung saan 48 porsiyento ng mga pamilyang Pinoy o 11.1 milyong pamilya ang ipinapalag­ay na sila ay mahirap.

Mas mataas ito ng anim na puntos kumpara sa 42 porsiyento o 9.8 milyong pamilya mula sa nakalipas na tatlong buwan at pinakamata­as mula noong naitala ang 50% nito noong unang tatlong buwan ng 2017.

Sineseryos­o, aniya, ng Malacañang ang resulta ng survey at iginiit na may mga bagay na nakaapekto sa developmen­t na ito.

Nang ianunsyo, aniya, ang inflation rate noong Hunyo ay nakaramdam ng pagtaas sa presyo sa mga bilihin, partikular na sa presyo ng bigas, sa panahong isinagawa ang survey dahil na rin sa pagkaantal­a ng supply nito bunsod ng masamang lagay ng panahon.

Sa panahong tinukoy sa survey, naipamahag­i na ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) ang unconditio­nal cash transfers (UCT) sa humigit-kumulang 3.8 milyong benepisyar­yo nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines