Balita

800 Syria White Helmets inilikas

-

JERUSALEM (AFP, Reuters) – Inilikas ng Israel ang 800 White Helmets rescuers at kanilang mga pamilya mula sa Syria patungong Jordan nitong nakaraang gabi sa hiling ng United States at mga bansang European, sinabi ng army radio kahapon.

Bunsod ito ng kinakahara­p na banta ng volunteer rescuers sa pag-aabante ng mga puwersa ng Syrian regime sa katimugan ng Syria, iniulat ng radio station

Sa isang pahayag sinabi ng Israeli military na nakumpleto na nito ang “humanitari­an effort to rescue members of a Syrian civil organizati­on and their families ... due to an immediate threat to their lives”.

Ang White Helmets organizati­on, opisyal na tinatawag na Syrian Civil Defense, ay kilala sa kanilang natatangin­g puting helmet. Kumikilos ang grupo bilang isang rescue service sa mga lugar na hawak ng mga rebelde sa Syria.

Sinabi ng official Petra news agency ng Jordan na ang kaharian “authorized the United Nations to organize the passage of about 800 Syrian citizens through Jordan for resettleme­nt in Western countries”.

Ayon sa Petra mananatili sila sa isang guwardiyad­ong lugar sa Jordan at pumayag ang Britain, Germany at Canada na i-resettle sila sa loob ng tatlong buwan.

Umaabante ang Syrian military, suportado ng Russian air campaign, sa Quneitra province kasunod ng opensiba nitong nakaraang buwan na nagpalayas sa mga rebelde sa katabing Deraa province, na sinusuport­ahan naman ng Washington, Jordan at Gulf states.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines