Balita

3 menor de edad, 5 pa arestado sa droga

- Mary Ann Santiago

Tatlong menor de edad na lalaki at limang iba pa ang naaresto ng awtoridad sa magkakahiw­alay na operasyon sa Maynila at Pasig City, kamakalawa.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 3, nadakip ang tatlong menor de edad sa Oscares Street, kanto ng Palanca St., sa Quiapo, Maynila, bandang 5:30 ng hapon.

Rumuronda ang mga tauhan ng MPD-Station 3 nang maaktuhan ang mga suspek na nagsusugal sa kalsada kaya sinita ang mga ito.

Nang kapkapan, nakuha ang apat na pakete ng umano’y shabu at tuluyang binitbit sa presinto.

Arestado rin si Rose Ann dela Cruz, 32, ng Lope de Vega St., Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila, matapos na makuhanan ng isang pakete ng umano’y shabu sa Barangay 484, Zone 48 sa Sampaloc, bandang 2:20 ng hapon kamakalawa.

Samantala, sa ulat ng Pasig City Police, naaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 9 si Ronaldo Coronado, alyas Aso, 43, ng Callejon St., Bgy. Sta. Cruz, Pasig City; habang si Larry Flores, 51, residente ng 584 Villa Jabson St., Bgy. Bambang, Pasig City, ay naaresto naman ng mga tauhan ng PCP-3, bandang 12:00 ng tanghali kamakalawa.

Nalambat naman ng mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit ( SDEU) sina Mario Orlanes, alyas Ambo, 32; at Richard Apostol, alyas Bukol, 45, kapwa ng West Bank Road, sa buy-bust operation sa West Bank, Bgy. Rosario, Pasig City.

Kasalukuya­ng nakakulong ang mga suspek at nakatakdan­g sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ( Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 200).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines