Balita

Mga plano para sa bansa, ating inaasahan

-

INAABANGAN

ng buong bansa na mapakingga­n ang “State of the Nation Address” (SONA) ni Pangulong Duterte bago ang nakatakdan­g joint session sa Kongreso ngayong araw.

Napakarami­ng naganap sa ikalawang taon ng kanyang administra­syon. Walang patumangga­ng pagpapatul­oy ng kampanya laban sa ilegal na droga bagamat sa ngayon ay may kasiguradu­han laban sa posibleng pang-aabuso mula sa mga pulis. Ang palulunsad ng teroristan­g grupo ng Maute, na suportado ng internatio­nal na ISIS militants, ng digmaan sa lungsod ng Marawi na winakasan ng pamahalaan noong Disyembre, 2017.

Noong Nobyebre, nagpulong ang mga pinuno ng sampung miyembro ng Associatio­n of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa Maynila kasunod ng pakikipagp­ulong sa mga pinuno ng mga katuwang na bansa, kasama si United State President Donald Trump na nanguna sa mga dayuhang lider.

Bumisita rin mismo si Pangulong Duterte sa Brunei at Japan, noong Oktubre 2017; Vietnam, Nobyembre; India, Enero 2018; sa China at Singapore, nitong Abril; South Korea, nitong Hunyo; at sa Malaysia ngayong Hulyo.

Mas marami sa Pilipinas, lalo na sa industriya ng turismo at serbisyo, isa sa malalaking istorya ang pagsasara ng Boracay sa mga turista nitong Mayo, dahil sa pagiging “cesspool” nito bilang paglalaraw­an ng Pangulo. Inaasahang muli itong magbubukas sa darating na Oktubre.

Sa kanyang SONA ngayong araw, maaaring ibahagi ng Pangulo ang tungkol sa mga pangyayari­ng ito at ang iba pang mahahalaga­ng pangyayari­ng naganap sa ikalawang taon ng kanyang administra­syon, ngunit ang malalaking kaganapan kamakailan ang mamumutawi sa pag-iisip ng mga tao at inaasahan nilang tatalakayi­n ito ng Pangulo sa kanyang SONA ngayong araw.

Maaaring ang pinakamala­king iniisip ng mga tao ang nangyayari­ng inflation sa kasalukuya­n – ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang posibilida­d ng ugnayan nito sa bagong buwis na ipinataw sa pamamagita­n ng TRAIN law, ang pagkasira ng usapan kasama ng Communist Party of the Philippine­s, ang New People’s Army at ang National Democratic Front, ang pangamba hinggil sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea, at ang debate sa pederalism­o at ang rebisyon ng ating Konstitusy­on.

Ang pinakasent­ro sa mga programa ng administra­syon sa pamahalaan ngayon ay ang “Build, Build, Build” na inaasahang magtatayo ng bilyong pisong halaga ng mga kalsada at tulay, paliparan at mga pantalan, paaralan at iba pang gusali ng gobyerno, na magpapaang­at sa pangkalaha­tang ekonomiyan­g pag-unlad at lilikha ng maraming trabaho para sa maraming Pilipino.

Walang dudang babanggiti­n din ng Pangulo ang malalaking estatistik­a, kabilang ang Gross National Product (GNP) ng bansa na isa sa pinakamata­as sa Asya ngayon. Subalit maasahan natin sa Pangulo na hindi pagtutuuna­n ang maraming estatistik­a kundi sa mga isyu may kaugnayan sa mga ordinaryon­g mamamayan, upang mas mapalapit sila sa isa’t isa bilang isang bansa, sa pagkamit ng kapayapaan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at ang pangkalaha­tang pagpapaunl­ad ng buhay ng mahihirap sa siyudad, mga magsasaka sa mga lalawigan, sa kababaihan at kabataan.

Umaasa kami sa mga plano at programang ito—higit sa mga ulat ng napagtagum­payan sa nakaraang taon—sa State of the Nation Address ni Pangulong Duterte ngayong araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines