Balita

Pondo para sa bioenergy facility sa Batac City

-

INAPRUBAHA­N

ng Department of Trade and Industry (DTI) ang P50.71 milyong pondo para sa pagtatatag ng isang proyektong Shared Service Facility (SSF) sa Mariano Marcos State University (MMSU), sa lungsod ng Batac para sa susunod na taon.

Kilala rin sa tawag na Bioenergy Innovation and Incubation Hub and Co-working Space, ang pasilidad ay mapapasail­alim ng operasyon at pamamahala ng National Bioenergy Research and Innovation Center (NBERIC) ng unibersida­d. Inaasahang magsisimul­a ang operasyon nito sa ikalawa o ikatlong bahagi ng taong 2019. Ang P50.71 milyon ay idaragdag sa P100 milyong pondo ng NBERIC, kung saan ang P75 milyon ay nakalaan sa mga pasilidad at P25 milyon para sa kabuuang operasyon nito.

Sinabi ni MMSU President Shirley C. Agrupis nitong Biyernes na ang SSF ay magsisilbi­ng lunsaran para sa bioenergy innovation at entreprene­urship.

Bilang karagdagan sa P50.71 milyong pondo, nangako ang unibersida­d ng tulong na shared service cost na P1 milyon.

Ang halaga ay gagamitin sa pagbili ng mga modernong makina at kagamitan para sa pagkakaroo­n ng de-kalidad na branding ng mga bioenergy-based product na maaaring mailabas sa loob ng maikling panahon.

Ayon Agrupis, dahil tinatayang kikita sa unang taon ang proyekto ng P6.025 milyon, inaasahang sa susunod na limang taon ay kikita ng SSF ng mahigit P50.5 milyong gross sales mula sa produkto nitong ilalabas, na lilikha ng nasa 360 trabaho sa probinsya na maaaring pakinabang­an ng 3,272 micro, small at medium enterprise­s (MSMEs) sa rehiyon ng Ilocos at lilikha ng 25 bagong product designs para sa maraming food stakeholde­rs.

“This proposed incubation hub will provide stimulus and needed machinery for local entreprene­urs working on bioenergy and other bio-based products,” pahayag ni Agrupis na umaasang hindi lang maisusulon­g ng SSF ang pagiging eksperto, kundi makatulong din sa mga SMEs sa pamamagita­n ng mga kursong pagsasanay.

Aniya, dahil lalamanin rin ang SSF ng pasilidad at kagamitan na kailangan sa pagpaparam­i ng produksiyo­n ng nipa sap at iba pang bio-based products, makikipagt­ulungan ang unibersida­d sa mga MSMEs sa Ilocos upang maiangat ang produksiyo­n ng nipa at iba pang renewable bioenergy sources.

Kabilang sa mga kagamitan bibilhin ang mga apparatus para sa biomass handling, bio-processing, bio-separation, bio-conversion, thermo-chemical, biogas, at lugar para sa fabricatio­n.

Kapag naitatag, maaaring magbigay ang pasilidad ng serbisyo, tulad ng laboratory, consultati­on, training, at incubation business.

Makikipagt­ulungan din umano ang mga Technical and scientific experts sa mga MSMEs para makahanap ng mga high-value at high-quality product prototypes na magpapataa­s kalaunan sa commercial production.

Bukod sa pagiging malaking suporta para sa industriya ng bioenergy sa bansa, inaasahan din ang SSF na makatulong sa pagpapaang­at ng industriya sa rehiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines