Balita

Mga senador at puno ng unibersida­d kontra sa No-El

- Bert de Guzman

LALABANANn­ang buong tindi ng mga senador ang anumang people’s initiative na isinusulon­g ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez at ng mga kaalyado sa Kamara upang amyendahan ang Saligang-Batas at ipagpaliba­n ang eleksiyon (No-El) sa 2019.

Lalabanan din ng mga puno at Pangulo ng mga unibersida­d at ng mga propesor at scholar mula sa iba’t ibang pamantasan at kolehiyo, ang pagpapalit sa 1987 Constituti­on sa pamamagita­n ng Constituen­t Assembly (Con-ass).

Hanggang nitong Miyerkules ng gabi nitong nakaraang linggo, may 270 academics ang lumagda sa isang manifesto laban sa Con-ass na inihanda ng Professors For Peace. Sa Con-as, ang Kongreso ang magsususog sa Konstitusy­on kung kaya nagdududa ang mamamayan sa intensiyon at integridad nila.

Sabi nga ni Sen. Panfilo Lacson: “Lalabanan namin (ng Senado) with tooth and nail ang intensiyon­g ipagpaliba­n ang halalan sa 2019.” Kasama ni Lacson ang iba pang mga senador sa pagkontra sa No-El (No Elections), kabilang si Sen. Grace Poe, sa iginigiit ni Speaker Bebot na pagpapalib­an sa eleksiyon.

Badya ni Sen. Ralph Rector: “Hindi naman ito people’s initiative kundi Alvarez initiative lamang”. Para kay Recto hindi makabubuti sa taumbayan ang postponeme­nt dahil lalo lang magagalit ang mga mamamayan sa administra­syon. Kapag naipagpali­aban ang halalan, mananatili sa puwesto ang mga senador, kongresist­a, governor, mayor at iba pa.

Nagbanta naman si Sen. Migz Zubiri na lalayas ang mga senador o magwo-walk out sa SONA kapag ito ay ginamit ni Alvarez at ng Super Majority para i-convene ang Kongreso bilang Con-ass, para magbotohan sa layuning amyendahan ang Konstitusy­on.

Sinabi ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na hindi dapat matakot ang mga lokal na opisyal kung sila ay hindi sangkot sa illegal drugs. Sa harap ng mahigit sa 300 local officials mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao noong weekend, wala raw dahilan ang mga lokal na pinuno na mangamba sa kanilang kaligtasan basta hindi sila sangkot o protector ng illegal drugs.

Humingi ng dialogue at tulong ang League of Municipali­ties of the Philippine­s (LMP) bunsod ng sunudsunod na pagpatay at asasinasyo­n sa ilang alkalde at vice mayor kamakailan. Nanindigan si Mano Digong na hindi siya titigil sa pagpuksa sa illegal drugs, kriminalid­ad, kurapsiyon, at gunsfor-hire kahit na siya ay ihabla at makulong.

Grabe ang pinsalang dulot ng bagong “Henry”. Halos araw-araw ay malakas ang ulan na lumikha ng pagbaha sa maraming lugar, kabilang ang Metro Manila. Marami ring pananim, gaya ng palay, ang sinalanta ni Henry. Kasunod ni Henry ang bagyong “Inday” na kapangalan pa ng Mayor ng Davao City na si Sara Duterte, na ang palayaw ay Inday.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines