Balita

Ang aasahan sa SONA

- Ric Valmonte

MAYmga haka-haka sa mangyayari sa State of the Nation address (SONA) ngayon ni Pangulong Duterte. Mahaba ba ito? Mayroon ba siyang ibang ipapangako na naman? Pero, ang mahalaga ay iparinig niya sa taumbayan ang kanyang mga nagawa na sa loob ng tatlong taon niyang panunungku­lan. Higit na mahalaga sa akin ay ang kanyang gagawin sa mga polisiyang pinairal niya na hindi naging katanggap-tanggap sa mamamayan.

Ayon sa kalalabas lamang na survey ng Social Weather Station, iyong mga nakapanaya­m nito na nagbigay ng satisfacti­on rating na “good” sa Pangulo ang nagsabi na iwaksi niya ang kanyang pinaiiral na polisiya ukol sa West Philippine Sea. Walumpu’t isang porsyento ang nagsasabi na hindi tama na ipaubaya sa China, at hayaan ang imprastrak­tura at presensiya ng militar ng China sa pinag-aagawang teritoryo. Pitumpu’t apat na porsyento naman ang nagsasabi na dalhin sa mga internatio­nal organizati­on, gaya ng United Nations at Associatio­n of Southeast Asian Nations, ang isyu para sa diplomatic negotiatio­n. Animnapu’t walong porsyento ang nagsabi na hilingin ang tulong ng ibang bansa para mamagitan sa pagreresol­ba ng isyu. Ang mga ito ay kasagutan ng mamamayan sa pinalalaba­s ng Pangulo na mahina ang ating bansa para na makipagdig­maan sa China kapag ipinilit natin ang napanaluna­n nating desisyon ng Permanent Arbitral Court, na tayo ang nagmamay-ari at may kapangyari­han sa West Philippine Sea. Kaya, hinayaan na lang niya ang ginawa ng China sa teritoryo.

Sinisingil na ng mga manggagawa ang ipinangako ng Pangulo na wawakasan niya ang kontraktuw­alisasyon. Kahit sa kontraktuw­alisasyon na inaprubaha­n niyang itigil, ay marami pa ring kumpanya ang ayaw sumunod. Wala ring napuntahan ang banta niya sa mga ito na papapanagu­tin umano niya. Ang malaking grupo ng mga manggagawa, na sa akala nila ay pinagtaksi­lan sila ng Pangulo, ang siyang magpoprote­sta kasama pa ang ibang grupong hindi na kuntento sa paraan ng kanyang pamamahala.

Ang kontrobers­iyal na war on drugs ng Pangulo ay isa sa mga isyung ipamumukha sa Pangulo sa kanyang SONA. Hindi naman nawala ang ilegal na droga sa bansa na noon ay ipinangako niya na wawakasan sa loob ng anim na buwan pagkaupo niya, sa katunayan ay dumagsa pa. Totoong nabawasan ang krimen. Iyong ang ginagawang walang kaugnayan sa droga ang lumala. Ang kanilang paraan ay sophistica­ted na. Mga opisyal ng gobyerno, pari, mamamahaya­g at hindi ordinaryon­g mamamayan ang mga biktima na. Ano kaya ang magiging reaksyon ng Pangulo sa mga mahalagang isyung ito.

Nangako ang Pangulo na ang kanyang SONA ay hindi tatagal ng 35 minuto. “Pero kung gaganahan ang Pangulo, tulad ng kanyang nakagawian na, hihiwalay siya sa kanyang nakahandan­g talumpati at magasasali­ta siya buhat sa puso,” sabi ni Presidenti­al Legal Adviser Sal Panelo. Pero nang tanungin si Senador Trillanes kung ano ang maaasahan ng taumbayan as Pangulo sa kanyang SONA, sabi niya: “Asahan na ito ay maghuhumiy­aw na naman at magsisinun­galing na lagi niyang ginagawa”.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines