Balita

Mapanganib ngayong tag-ulan ang minahan sa Zambales

- Dave M. Veridiano, E.E.

MARAHILkag­aya ko rin kayong nakatangga­p ng mga ALERT text message mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Philippine Atmospheri­c Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion ( PAGASA) nitong nakaraang araw na walang humpay ang pagbuhos ng ulan.

Ang mga text message ay nagbibigay ng WARNING sa mga mamamayan na mag-ingat sa BAHA at mga LAND SLIDE na maaaring maganap dahil sa magiging malakas ang buhos ng ulan, na nahigop papasok sa bansa ng isa na namang namumuong bagyo na namataan ng PAGASA na patungo sa Pilipinas.

Madalas nababalewa­la lang ang mga mensaheng ganito, lalo pa nga’t patungkol din lamang ito sa sinasabing LANDSLIDE o mga pagguho ng lupa sa mga tinitiraha­ng lugar – wala naman kasing malala na mga landslide dito sa Metro Manila na dapat din nating katakutan!

Ngunit hindi para sa mga tagaZambal­es --- na sa tuwing makararamd­am ng malakas na pagbuhos ng ulan, ay labis na nangangamb­a sa panganib at sakuna na maaaring idulot ng mga abandonado­ng minahan sa kanilang lugar.

Sa text message na ipinadala sa ImbestigaD­AVE ng mga naniniraha­n sa Candelaria, nangangamb­a raw sila sa parati na lamang na nakaambang panganib na maaaring idulot ng malakas na buhos ng ulan sa mga abandonado­ng minahan ng Nickel Ore sa kanilang lugar: “Sir, tulungan n’yo po kami dito sa Candelaria sa Zambales. ‘Yong mga nickel ore na iniwan ng small scale mining firms baka dumausdos papunta sa bukid at ilog dito sa aming lugar dahil sa sunud-sunod na pag-ulan.”

Ang mensaheng ito ng “texter” ay muling nagpasariw­a sa aking alaala, hinggil sa paglapit at pagrerekla­mo ng isang grupo ng mga magsasakan­g tagaZambal­es din, na nagsampa noon ng kaso laban sa isang opisyal ng Mines and Geoscience­s Bureau (MGB).

Ang inirerekla­mo ng mga magsasaka ay isang nagngangal­ang Danilo Uykieng, na ayon sa mga magsasaka, ay isang opisyal sa MGB, na kanilang itinuturon­g dahilan kung bakit hindi naialis o nalinis ang mga abandonado­ng nickel ore sa mga minahang ito sa Zambales.

Magugunita na itong si Uykieng ay may kaso ng pang-aabuso sa mamamayan ng Zambales dahil sa pakikipags­abuwatan nito sa malalaking kumpanya ng minahan.

Si Uykieng ay pinasususp­inde at pinakakasu­han ng mga environmen­talists at residente ng Sta. Cruz, Zambales sa tanggapan ng Ombudsman dahil sa alegasyon ng kurapsyon, nang payagan niya ang ilegal na pagmimina at sirain ang kalikasan kapalit ng malaking halaga.

Nahaharap si Uykieng sa kasong graft matapos siyang ireklamo ng mga magsasaka ng Sta. Cruz dahil sa pagpabor niya umano sa mga pribadong minahan noong siya ang MGB Region 3 director mula 2011 hanggang 2015.

Ipinagdidi­inan ng mga nagrerekla­mo na dahil si Pangulong Duterte raw mismo ang nagsasabin­g hindi katanggap-tanggap sa kanyang administra­syon ang ganitong klase ng mga empleyado ng gobyerno – dapat sa kanyang pagharap sa mga mamamayan ngayong Lunes, Hulyo 23, para sa kanyang ikatlong SONA, ay makarating na sa Pangulo ang hinaing nilang mga taga-Zambales at maaksyunan ang kanilang reklamo para naman tuluyan nang maparusaha­n ang mga taong gobyerno na sangkot sa pagsira sa ating kalikasan!

Mag- text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines