Balita

SONA ng Pangulo, taunang ritwal sa Kongreso

- Clemen Bautista

SAkasaysay­an ng iniibig nating Pilipinas, kapag sumasapit ang ikaapat na Lunes ng Hulyo ay ginaganap ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ng Pilipinas sa isang joint session sa Kongreso. Ang SONA ay itinuturin­g na isang natatangin­g pangyayari at bahagi ng political history ng ating bansa. Isang mahalaga at taunang ritwal sa Kongreso na inilalahad ng Pangulo ang tunay na kalagayan ng bansa.

Sa mga nakalipas na SONA ng bawat naging Pangulo ng Pilipinas, tinampukan ng pag- uulat ng mga accomplish­ment o nagawa ng Pangulo sa ating bayan. Tumutukoy sa iba’t ibang antas ng paglilingk­od sa sambayanan. Sa ekonomiya o kabuhayan, edukasyon, kalusugan, pagsasaka, impra project, pabahay, food security, patubig sa programang pansakahan, enerhiya, farm to market road at iba pang antas ng serbisyo na mga mamamayan ang nakikinaba­ng.

Ang SONA ay isa ring magandang pagkakatao­n na ilahad ng Pangulo ang kanyang mga bibigyang prioridad at gagawing mga reporma na aaksiyunan ng mga miyembro ng Kongreso sa pamamagita­n ng pagpapatib­ay sa mga panukalang-batas na kaugnay sa hangarin ng Pangulo.

Kapag SONA, mapapansin na ang mga miyembro ng dalawang Kapulungan ay nagpapatah­i ng kanilang magagarang kasuotan. Barong Tagalog o Amerikana. Talagang kagalang-galang silang tingnan sa suot nilang mamahaling Barong at Amerikana. Ang mga babaeng miyembro ng Kongreso ay nagpapatah­i rin ng kanilang magagandan­g gown. Nagsusuot ng mga alahas at iba pang borloloy sa katawan. Nasasabi tuloy ng ibang mapanuri, sila’y parang nasa isang fashion show.

Maging ang Pangulo ng Pilipinas ay nagpapatah­i rin ng maganda o simpleng Barong Tagalog. At ngayong ikatlong SONA ni Pangulong Duterte, ang miyembro ng kanyang pamilya ay nagpatahi rin ng magandang gown tulad ni Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio. Kulay asul ang kanyang gown. Ang dating maybahay ng Pangulo ay nagpatahi rin ng kanyang gown.

Ang SONA ay dinadaluha­n din ng mga dating Pangulo ng Pilipinas, ng mga cabinet member ng Pangulo, alagad ng Simbahan, mga foreign dignitary at iba pang mga panauhin. Sila’y makikiisa sa pagbibigay ng malakas, matunog o pakunwarin­g palakpak sa mga sinasabi ng Pangulo. May katotohana­n o pambibilog man ng ulo.

Kapag SONA ng Pangulo, nagsasagaw­a ng kilos-protesta ang iba’t ibang militanten­g grupo. Tulad ngayong 2018, ang grupo ng Bayan Muna ay naglunsad ng “Lakbayan” na nagsimula sa Calamba City. Dala nila ang effigy ng Pangulong Duterte na tinawag nilang “Dutertemon­yo” na kanilang susunugin sa gagawin nilang programa sa may Commonweal­th Avenue.

At para naman sa pangangala­ga ng kaayusan at katahimika­n ng ikatlong SONA ng Pangulong Duterte, may 6,000 mga pulis ang ide-deploy ng Philippine National Police (PNP) sa Batasang Road at Commonweal­th Avenue at paligid ng Kongreso. Ang Armed Forces of the Philippine­s (AFP), bilang augmentati­on ay may ide-deploy na 1,000 mga sundalo. Sa nasabing bilang ng mga pulis at sundalo, sabi nga ng iba nating kababayan: Parang war zone ang dalawang lugar na malapit sa Kongreso .

Sa ikatlong SONA ng Pangulong Duterte, ayon sa kanyang special assistant na si Bong Go, may anim na pahina lamang ang nilalaman ng SONA ng Presidente. Humaba man ito ay dahil sa adlib ng Pangulo na karaniwang ginagawa kapag nagtatalum­pati.

At palibhasa’y ang slogan ng Pangulo ay “Change is coming”, maghihinta­y ang sambayanan­g Pilipino sa mga ilalahad ng Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong SONA. Sa mga pagbabago. Kasama na kaya rito ang mga programa sa pag-unlad ng bansa, lunas sa kahirapan, solusyon sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at kriminalid­ad?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines