Balita

AlDub fans napa-quota sa kilig

- Nora V. Calderon

EXTENDED

nitong Sabado ang pagdiriwan­g ng AlDub Nation (ADN) ng 3rd anniversar­y ng AlDub love team nina Alden Richards at

Maine Mendoza, kahit na noong July 16 pa ang anibersary­o ng phenomenal love team.

Walang special celebratio­n nitong Lunes, dahil gaya ng dati ay nasa barangay si Maine habang nasa panel naman ng “Juan For All, All For Juan” sa Broadway si Alden. Gayunman, masaya na ang AlDub fans dahil naulit ang patok noong splitscree­n na pag-uusap nina Alden at Maine noong kasagsagan ng kalyeserye.

Kaya naman nagdiwang ang ADN nang i-announce ni Joey de Leon na sa Dabarkads Concert Series ng Broadway Boys nitong Sabado, July 21, ay guest sina Alden at Maine ala-musical movie na Grease.

Todo naman ang preparatio­n nina Alden at Maine. Pinag-aralan nila ang mga songs na kakantahin nila at nag-recording. Kahit may taping si Alden ng Victor Magtanggol, pinayagan siyang umalis muna para mag-record ng songs at mag-rehearse ng mga dance numbers nila ni Maine.

Hindi binigo nina Alden at Maine ang kanilang fans. Pinasaya nila ang AlDub fanatics sa studio man o sa national and worldwide TV, dahil nag-trending at nag-number one on national TV ang nasabing performanc­e ng dalawa. Kaya si Maine, nag-tweet kaagad after ng

Eat Bulaga: “Grabe this week! Thank God it’s Saturday! Thank you guys for watching Eat Bulaga. Can’t wait to be home and get some much needed rest. Happy weekend, everybody. #ALDUBWithB­roadwayBoy­s.”

 ?? Alden at Maine ??
Alden at Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines