Balita

Janine Berdin magsasampo­l din ng acting

- Ador V. Saluta

PINAGKAKAG­ULUHAN

na ang “Tawag ng Tanghalan” Season 2 champion ng

It’s Showtime na si Janine Berdin. Kabi-kabila na ang guestings niya sa Kapamilya shows. Sa katunayan, sa July 28 ay aakyat siya sa stage ng Araneta Coliseum for a concert kasama ang TNT Season 1 winner na si Noven Belleza, at ang iba pang grand finalists ng nasabing singing competitio­n.

Sa panayam sa Cebuana singer, sinabi niyang unti-unti na raw nagsi-sink in sa isip niya ang kanyang pagkapanal­o.

“Yes po. Parang ngayon po, a month na po has passed since nag-grand finals. And parang… parang ngayon na-grasp ko na po ‘yung thought na ako na po ‘yung grand champion. And ‘yung mga responsibi­lities rin po na dapat kong gawin as a grand champion,” sabi ni Janine.

Bukod sa management contract, business package, at house and lot, malaking tulong daw para kay Janine ang napanaluna­ng P2 milyon dahil panustos din daw ito ng kanyang pamilya sa dialysis treatment ng kanyang lola. Sa panayam ng PEP kay Janine sa launching ng bagong TNT Records noong July 12, sinabi ng dalaga na dream come true ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon.

“Ito po lahat dream come true ko po ito. Dati po lahat… nung student pa lang po ako, parang iniisip ko po na, bakit hindi ako kinukuha sa mga gig na okay naman boses ko,” nakangiti niyang sabi.

“Gusto ko lang talagang kumanta. Kahit hindi ako bayaran, basta makakanta lang ako sa restaurant, ‘yung ganun.

“Tapos ngayon kumakanta na po ako sa buong Pilipinas and inaappreci­ate po nila, at naniniwala po sila sa passion ko. Kaya sobrang dream come true po ito lahat. It’s nothing but a dream come true po talaga,”paulit-ulit niyang banggit.

Noong bata si Janine ay naging bahagi siya ng Star Circle Quest Season

4. Sa naturang talent search competitio­n ng ABS- CBN, na umere noong 2011, nakasama ni Janine si Kyline Alcantara, na ngayon ay talent na ng GMA- 7. Sa katunayan, binati ni Kyline si Janine nang manalo ito sa “Tawag ng Tanghalan”. Sa hiwalay na panayam, binalikan ni Janine ang panahon noong sumali siya sa SCQ. “Hindi po siya [ acting], unfamiliar sa akin kasi noong bata po ako, nag-a-acting po ako,” pagbabalik- tanaw ni Janine. “Isa din po siya sa mga passion ko.” Nang tanungin kung gusto niyang gumawa ng acting project, inamin ni Janine na gagampanan niya ang kanyang sarili sa kanyang upcoming Maalaala

Mo Kaya episode. “Nagpaplano na po sa MMK,” ani Janine. “If ever bigyan nila ako ng chance na mag-acting, siyempre whole- heartedly kong tatanggapi­n ‘ yun, kasi isa ‘ yun sa mga gusto ko talagang gawin.”

 ?? Janine ??
Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines