Balita

KathNiel, Maja, at Echo sa media event sa Thailand

-

MULINGgaga­wa

ng ingay sa internatio­nal scene ang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Maja Salvador, at Jericho Rosales sa nalalapit nilang paglipad patungong Thailand ngayong Agosto upang daluhan ang isa sa pinakamala­king media events ng JKN, ang leading media company sa naturang bansa.

Inanyayaha­n ang apat na pumunta sa JKN Diamond Blue Mega Showcase, ang event kung saan ipinakikil­ala ng media company ang mga bituin ng mga programang ina- acquire nito. Bukod naman sa showcase, isang salu-salo rin ang kanilang dadaluhan kasama ang CEO ng JKN na si Anne Jakkraphon­g at iba pang internatio­nal celebritie­s.

Kasalukuya­n pa rin ngang umeere sa Bright TV ng Thailand ang pinagbidah­ang serye ng KathNiel na Pangako Sa’Yo at ang

Bridges of Love, nina Maja at Jericho, na na

parehong patok sa Thai viewers.

Lalo ring mag-iinit ang suporta para sa Kapamilya stars sa Thailand dahil inihahanda na ring ipalabas doon ang iba pang programa ABS-CBN, gaya ng The Promise Of Forever, Magpahangg­ang Wakas,

La Luna Sangre, at Wildflower. Patuloy na namamayagp­ag ang Kapamilya shows sa ibang bansa at napapanood ng ibang lahi dahil sa ABSCBN Internatio­nal Distributi­on.

Para sa karagdagan­g impormasyo­n, bisitahin ang kanilang website sa http:// internatio­nalsales.abs-cbn.com.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

 ?? Jericho Maja Kathryn at Daniel ??
Jericho Maja Kathryn at Daniel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines