Balita

Christian napakasimp­le ng proposal kay Kat

- Ni REMY UMEREZ

WALANGhalo­ng kadramahan ang wedding proposal ni Christian

Bautista sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Kat Ramnani. Kasi naman pala, matagal nang laging bitbit ng singer ang engagement ring na binili niya para sa nobya, kaya marahil nang makatiyemp­o siya ay kagyat na lang niyang inalok ng kasal ang girlfriend.

Nangyari ang proposal sa tinutuluya­ng hotel ng dalawa sa Venice last year.

Isinilid ni Christian ang ring box sa isang paper bag at iniabot ito sa babaeng gusto niyang makasama habambuhay. Ang buong akala ni Kat ay candy lang ang laman ng supot, kaya naman ganoon na lamang ang gulat ng dalaga nang makita ang singsing sa loob niyon.

At nang bigkasin ni Christian ang mga katagang “Will you marry me?” ay hindi na nagdalawan­g-isip sa pagsagot ng yes si Kat.

Nagkakilal­a ang dalawa sa isang event abroad at 2016 nang nagsimula ang kanilang long - distance relationsh­ip (LDR). Nang bumalik sa Pilipinas si Kat, saka lang niya napagtanto na sikat na singer pala sa bansa si Christian. Akala niya ay budding singer lang ang binata.

Nag- aral si Kat ng Marketing and Communicat­ions sa Sta. Clara University sa Silicon Valley sa California. Ngayon ay isa siya sa mga managers ng Globe Telecom.

Produkto ng Star in a Million ng ABSCBN si Christian noong 2009, na nagpursige sa pagkakaroo­n ng sariling pangalan sa music industry, at gumanap na rin sa ilang teleserye.

Bagamat hindi isinasapub­liko ang petsa at lugar ng wedding, ikakasal sina Christian at Kat bago matapos ang taong ito.

 ?? Christian at Kat ??
Christian at Kat

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines